79 Các câu trả lời
Feeling ko totoo mamsh. Kasi last week, may kumakalabog sa bubong. Yung tipong parang tao na naglalakad. Mga 3:14am na yun, bigla ako nakaramdam ng pag iinit ng tiyan yung parang lalagnatin ganung feeling. Tas para kong nahihilo at napakasakit ng puson ko. Kaya ang ginawa ko, nagpatong ako ng black na tela sa tiyan ko and pinayakap ko hubby ko. Before ko pa malamang buntis ako, napupuyat ako sa kakakalabog ng kung ano sa bubong and yung pusa ang creepy mamsh. 😭 Nakakatakot tumitig as in lalaban pa ng titig sayo 😔
Simula nang mabuntis ako. Laging ng may nakatambay ng parang may naglalakad sa bubong namin. Minsan nman ang dami pusa na ngiingay. Nung isang gabi, nakarinig ako ng ibon na tiktik ang huni tapos bglang parang may naglalakad na mabigat sa bubong namin. Ginising ko asawa ko. Nagpray kami. Yun po pangontra namin. Di kami nagsasara ng bintana kasi sobrang init. Effective po ang prayer sa lahat. Powerful po ng higit si God sa anumang evil spirits.
Totoo po! Maghagis ka bago ng magdilim ng asin na may dinikdik na bawang at sili labuyo, hagis mo sa bubong at bintana. Tapos yung dinikdik na bawang balot mo sa damit mo itali mo lang bago ka matulog. Hanggang manganak yan, kasi mabango sa kanila ang buntis at sanggol. Na experience ko til now, or kung may palaspas ka rin sabit mo sa bintana kung san ka natutulog. Mas okay na magingat. Yung iba di naniniwala pero ako naniniwala dahil na experience ko.
Yes. Naniniwala po ako. Nung buntis pa ako sa baby ko . Sa bubong feeling ko talaga may tiktik kasi may kumukutkot sa bubong . Buti nalang may kisame kami .. Di tlaga ako makatulog noon . Tas ginawa ng asawa ko . Naghagis sya ng asin sa bunong tas sa palibot ng bintana nilagyan nya. Then yung bawang nilagay sa plastic sinabi ko sa bintana tas nagsabit din ako rosary magkabilang dulo ng bintana. Mula nun nkakatulog nako ng ayos ..
Kagabi lang din nung na experience ko. Mag 12am na nun tapos nag chat sakin ung sister-in-law ko kasi meron daw sila naririnig ng kuya ko na ibon na paikot ikot sa bahay. Pati ung pusa nila hindi daw mapakali at may tinitignan sa labas. Eh ako lang mag isa sa kwarto so ang ginawa ko dun ako sa sala natulog, nagpasama ako sa kapatid ko. Naglagay lang ako ng bawang at asin sa bintana at nag tali ng red na ribbon sa tyan ko.
bago mag dilim sis, mag kalat ka ng asin sa labas ng bahay nio pati sa bubong :) Tas lagay ka dn bawang sa bintana kung san ka ntutulog, pangontra din yon. Nagsasabit din ako ng krus sa damit ko tas binabalutan ko ng telang itim yung tiyan ko. Meron pa, pahiran dw ng oil n my kalamansi ung tiyan bago mag dilim, pero di ko na ginawa yan. Payo lang yan ng mga ninang ko kase naexperience dw nila date na aswangin e hehehe
Naniniwala ako. Kase nung bata pa ko nakakita ako ng aswang, buntis kase non ung asawa ng tito ko.. ngayon ako naman na ako ang buntis may naririnig akong kalabog sa bubong namen tuwing madaling araw, di naman ako natatakot.. pag umiihi ako sa madaling araw sinasamahan ako ng aso namen kaya kumportable naman ako. Minsan tumatabi sya saken matulog kaya ang iniisip ko siguro binabantayan nya kame ng baby ko ☺️
Ndi po ako na niniwala sa aswang or tiktik, cgro pag nkita ng dalawa kng mata dun ako maniniwala.. Pero dhil sa buntis nga ako wla nman masama if maniwla ka sa mga pangontra agains them.. Kaya may bawang at kalamsi ako nlalagay sa ibabaw ng tyan ko tuwing gabi pag patulog na mga bata lng kz kasama ko, wla si hubby na lock down sa val ndi makauwe.. Kaya ayun bawang kalamsi nlang😂😂
yes ako din gabi gabi simula nung nalaman ko na preggy ako 3months tumigil lang nung nag lockdown, nag bbuhos lang kme asin sa paligid before mag dilim tas bawang at asin sa bintana sa tabi ko may rosary tska bawang na walang balat durog nka lagay sa plastic tas ung tummy ko tinatakpan ko ng damit ni mister ung gamit nya bago maligo pra nkakapit ung pawis sa damit d maaamoy ung baby
Sa totoo lang hindi ko alam if maniniwala ako since wala akong related experience na magpapatunay. Pero ang take ko dyan, wala naman din mawawala kung gagawin ko yung mga sinasabi ng mga nakakatanda na mga pag iwas or pangontra. When I was preggy naglagay kami ng mga bawang at bulak sa corners ng windows. At naalala ko nun nung buntis ako laging red ang pantulog ko. :)