Missing you my little angel❣️ BERNICE JOY

Nanganak ako sa Baby Girl kong si Bernice Joy ng August 25,2019 buhay sya. pero nag dry labor ako sa baby ko diko alam natuyuan na pala ako ng panubigan, first time mum ako kaya diko rin alam mangyayaring ganito!tapos nung diko na talaga kaya sumugod na kami ng hospital at napakadami king ire sa kanya at diparin sya lumalabas hanggang sa naramdaman kona ginupitan nako shocks! ayun ang tatlo ang nagpupush sa tyan ko lumabas lang ang Baby ko. Sumunod nun nagtataka ako bakit huminto sya sa pag iyak tapos nag color violet sya, yung nurse bayun o doctor basta! pinapalo palo na yung pwet ng anak. tapos ayun umiiyak na ulit yung bernice ko, diko man lang nafeel yung anak ko paglabas nya sakin, disya nilagay eq dibdib ko dahil pinasok agad aya sa NICU kasi nakakain na ng pupu nya, thickly na sabi nung doctor sakin at nakakalason yun sa bata, umiiyak nako diko alam kung magiging maayos ba ang lagay ng anak ko, kahit ako habang tinatahi ako nagdadasal nako kay lord na safe sya at malakas yung anak ko, tapos nung natahi nako nun at nakalabas na sa delivery room pinakain muna ako at para mainom ng mga gamot. tapos yung baby ko naririnig kong umiiyak sa loob ng NICU. Kinabukasan August 26,2019 nasa ward nako at nagpapahinga iniinda ko yung tahi ko dahil nga kakapanganak ko lang, umiiyak ako kasi iniisip ko yung kalagayan ng anak ko, kung nalinis naba yung mga nakain nyang pupu para makapiling kona sya makarga o mahawakan. Di parin ako mapakali sa sobrang sakit ng tahi ko at di ako makatulog sa pag aalala sa anak ko kung okay naba o hindi pa, kasi dina ako humihinto sa pag iyak, nagsabi ako sa nurse na gusto kong puntahan yung baby ko sa NICU para makita ko kung anong lagay nya. Nung nandun nako nakita ko na lumalaban sya para mabuhay kahit may tubo na nakasalpak sa kanya at oxygen nakita ko na nagpapalakas sya kahit nahihirapan nasya, ayun kinakausap ko sya habang hinahawakan ko mukha nya kamay paa basta lahat ginawa ko sa kanya hinalikan ko sya sa noo habang umiiyak ako sabi ko anak nandito na si mama pagaling na ikaw para makauwi na tayo sa bahay gusto kana nilang makita lahat lalo na ang daddi mo. nagdadasal ako kay lord na ibigay kana nya saamin kasi napakaganda mong bata at sobrang puti apaka tangos ng ilong at bashoink na baby girl? sobrang kamukha mo talaga anak ang papa mo as in?. Pagbisita ko sa kanya sa NICU ng ilang beses mga apat or limang beses ako nun nagpababa sa anak para lang palagi kitang macheck kung okay kana, last check ko sayo anak sa NICU nagsabi sakin yung nurse na humihina na yung Oxygen mo o heart rate mo basta ayun sinabi umiiyak nako nun, kasi natatakot nako na baka ano mangyari sayo Di nako nakatulog buong 2araw kasi gusto ko gising ako kapag dadalhin kana sakin o okay na yung kalagayan mo. August 27,2019 ng madaling araw mga 2:50 natulog nako kasi diko na kaya yung mata ko papikit pikit na talaga dahil dinga ako natutulog ng dalawang araw, humiga nako at nagpahinga na dahil magang maga narin mga mata ko sa kakaiyak di ako mapalagay sayo anak, mga 4am sakto ginising ako ni mahal at yung mukha nya diko magets bakit parang nagpipigil sya sa pag iyak habang kinakausap nya ako, ang sabi nya sakin mahal gising na! nagising nako sabi ko kakatulog ko lang mahal kaya, sabu nya na asan nayung gamit ni baby yung susuotin nya na damit pampers at pranela, sabi ko bakit mahal? dadalhin naba dito si baby sakin, tapos hindi sya sumagot ang sabi lang nya sakin na bilis na mahal mamaya kona sasabihin sayo ah iloveyou. sabay niyaka nako ni mahal ng mahigpit at nauutal sa pagsabi na sige na mahal magpahinga kana muna jan para gumaling na yung tahi ko. nagtataka na talaga ako nun kay mahal sabi ko mahal balik ka agad dito sa ward ah gusto kita kausapin. tapos nung bumalik nasya sa ward ko, naluluha na talaga sya ang sabi nya saakin mahal wag kang mabibigla ah kalma mo lang sarili mo. tapos ako naman naiiyak na kahit dipa nya sinasabi yung sasabihin nya sakin, mahal habang umiiyak yung anak natin, si bernice joy wala na. Sabi ko ha? bakit pano ano! mahal naman eh kakapunta ko lang sa kanya kanina ah okay pasya! natulog lang ako sandali tapos sasabihin mong wala na yung baby natin! ???? sabi ko bakit! bakit ganyan mahal! sabi ni mahal 3:30 ng madaling araw huminto yung heart beat ni baby bernice joy at nung mga oras nayun ay natutulog ako. sabi ko lord naman eh akala ko ibibigay nyo na sya samin mag asawa pero bakit kinuha mona agad??? sabi ni mahal sakin na ssshh.. tigil na mahal baka mabinat ka???? sabi ko hindi pwede mahal di pwede mawala yung anak ko! anak natin mahal!!!??? diko kayaaaa!! tapos nung time nayun pumunta nako ng NICU kasama si mahal para makita ko sya. Pagpasok ko ng NICU niyakap ko si baby ng mahigpit sabi ko sa kanya anaaaak! ???? bakit monaman kami iniwan agad ni papa mo? anak dikapa nga nakadede sakin eh pangarap ko panaman yun? tapos diko man lang nagawa???? buti payung papa mo nakarga kanya eh ako hindi man lang?????? saglit kalang pinahiram saamin ni lord. 2days kalang samin anak dami panaman naming pangarap sayo ng papa mo???? sobrang miss na miss na miss na miss na miss kana namin anak! sobraaaaa!! diparin kita nakakalimutan mahal koooo???? araw araw anak, lalo na pag gabi bago ako matulog umiiyak ako sa totoo lang, kahit minsan nasa labas ako palagi nakikipag tawanan at nakikipag kwentuhan sa mga kaibigan ko, sa tuwing uuwi ako ng bahay makikita ko sa cellphone yung mga pictures mo mahal! nalulungkot ako ng sobra?? sa tuwing namimiss kita nadudurog yung puso ko nak!??? kahit na first time mommy ako nak sobrang diko pinagsisisihan na dinala kita ng 9months sa tyan ko❣️ Sobrang saya ko na ikaw yung Baby ko??? pero wala binawe kana saamin ni lord. MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL kanamin ng papa mo kaming lahat anak mahal na mahal na mahal ka.??❣️?✨ Palagi mo kaming gagabayan lahat dito anak ha???? we will miss you so much!? #Lovemama&papa?

123 Các câu trả lời

Condolence mommy 😢 Aug. 26,2018 naman ako nanganak via ECS kasi nakapoop na din baby ko sa loob ko and nagdecide na kami ng husband ko na go for ECS na kami bahala na si Lord magprovide ng pambayad kasi costly talaga pero super thankful ako dahil nailabas ko ng safe si baby at ngaun 1year and 5months na sya healthy, clingy at bibo. Ps. Mommy everything happens for a reason. Pag may nawala may mas magandang kapalit na ibibigay sayo si Lord. Masakit at talaga namang nakakadurog ng puso mawalan ng anak pero alam kong kaya mong lampasan yan and keep on praying ❤️❤️ sending you warm hugs momsh and happy valentines day.

Hugs mamsh!!! 🥺🥺🥺 I have an angel baby din. Sobrang sakit mawalan ng anak. Na-NICU din baby ko, 1 week lang siya, oxygen kaso di kinaya kaya na-intubate. Sobrang nakakabaliw. Lagi ako naiyak. Sabi pa ng iba atleast di na daw nagtagal na kasama, di nila alam kahit saglit lang nakasama, 9 na buwan ko dinala yon. Mag-1 year old na dana siya sa May. Ang sakit-sakit hanggang ngayon. Di ko alam kung kailan ulit ako mabubuo. Feeling ko nung nawala siya, namatay na din ako, yung kaluluwa ko pero naiwan lang katawan ko dito sa mundo. Di ki alam hanggang ngayon paano mag move forward. 🥺

Condolince hirap mawalan ng anak pero need natin maging matatag para sa mga taong andyan pa para sa atin,sa buhay natin pinakamasakit talaga mawalan ng anak,pero sguro hindi sila para sa atin kapiling na sila ni god,yan baby ko bago xa binawian ng buhay.3months lng xa first baby hinintay ko ca ng 8yrs tapos 3months lng xa pinahiram sa akin.hindi mo marcplain ang sakit.pero nagtitiwala pa rin ako god.minsan hindi natin maintindihan mga nangyayari sa buhay natin,pero sabi nga laban lng may plano si god para sa atin.share ko lng

Condolence po mommy.

Condolence, Mommy! Naiyak ako. Ayun, Nangyari din sakin yung dry labor nung nanganak ako plus cord coil ang baby ko emergency CS ako sabi ng OB ko kasi di daw kaya i-normal pag ganun dahil may chance na mawala ang baby pag di na-CS agad. Natakot ako siyempre first time mom ako tsaka gusto ko ma-normal delivery ang baby ko pero para sakanya tinanggap ko okay naman ang baby ko ngayon super healthy siya. Anyway, kaya mo yan mommy! Everything happens for a reason. Praying for your angel 🙏🏼

condolence .. naiyak ako sa share mo.... pag nanay k n relate k n tlga.... halos magkasunod lang tayong nanganak july naman ako... praise GOD kasi bago makakain anak ko na cs n ako. nakdumi n sya sa loob ng tiyan ko.... at buti di p sya nakakain kasi ng delikado daw yon 1 week syang nasa icu.... I know still painful yong nangyari.... May GOD in HIS time will send another gift of life to YOU

Condolence po.. Ganyan din nangyari sa akin sis natuyuan ako dahil nauna pumutok yong panubigan ko at more than 12 hrs akong nag labor. Humihina na heartbeat ng baby at humihina na din ako kasi may asthma pa ako.. Di ko na kaya in emergency CS agad ako para ma save si baby.. Kasi sabi ng Doctor kahit ipush ko hindi din lalabas hindi na ako pinaire.. Na save ang life ng baby ko..

My angel din ako sa heaven, 3 yrs. Na sya dun.. Soobrang miss ko na sya.. ❤ Pakatatag ka mamsh.. Kausapin mo lg sya nakikinig lg sya sayo.. Soon my drating din na para talga sayo.. ❤❤ Now.. My 3 weeks old baby boy ako, everyday ako ngpapray na maging okau sya at lumaki ng maayos.. Kinakausap ko din yung angel ko na gabayan yung kapatid nyA at bantayAn palagi..

ganyan din po ng yari sakin.. pero buhay po ang baby ko.. pinump lang ng pinump ang bibig nia para makuha ang pupu.. oct 17 f.up check up ko at ultrasound don nalaman na 1cm na ako. kaya admit agad kc unte nalang ung tubig at naka pupu na xa.. pero thankz kay lord kc kasama ko parin baby ko. sa baby mo condolence. naiyak ako sa kwento mo.

Mommy magpaka strong ka lang 😭😭😭 Nakakaiyak ang story mo po. Pero always remember God has a purpose bakit nya agad kinuha si baby bernice, gagawin siang angel ni God at she will be happy in heaven. Iniisip ko palang na magkasakit ang baby ko parang d ko na kayanin ano pa kaya mawalan ng anak. 😭😭😭 Pakatatag ka lang po.

My deepest sympathy and Condolence mommy. Ramdam ko ung sakit at pagmamahal sa post mo sis pero alam ko na walang makakapantay sa sakit na nararamdaman mo. Lagi ka lang magpapakatatag and go forward for sure yun din gusto ni baby Bernice para sa inyo. Wala man sya sa tabi mo pero mananatili sya sa isip at puso mo.

Câu hỏi phổ biến