Nanganak ako nung October 30 at ika 9 days pa lang ng baby ko. The moment that I laid my eyes on her, for me she is the most beautiful baby ever. Pero walang namana si baby saakin. Lol. Sabi ng mga kapamilya namin, manang mana daw sa tatay yung anak ko. But thats okay. I never lover her less naman eh, kahit kanina pa yan nagmana, kasi anak ko. Pero sobrang nasasaktan ako pag sinasabi ng ama nya yung di kagandahan sa kanya like "ang liit naman ng pilik mata neto" "ang lapad ng ilong" "ang payat ng legs" "nagagandahan ka ba sa baby natin?" "Di ba sya maitim?". Pero sabi naman ng iba ganda2 ni baby. Pero pag nanggaling pala sa tatay sobrang sakit. Iniiyak ko nalang ng patago kasi baby ko yan eh, sobrang mahal na mahal ko pero ganon ganon lang kung laitin ng tatay. Sorry at nag rant ako dito. Dito ko lang kasi nailalabas yung sakit ng loob ko.