Nananaginip ba ng masama ang baby?
Ganito kasi yun..
Yung baby ko madalas talaga magkatopak pag umaalis kami tapos pag uwi sa gabi umiiyak sya at medyo mahirap patulugin.
Kanina umalis kami at ok na ok naman sya pag uwi hanggang nakatulog na.
Tapos kanikanina lang, nagising sya umiiyak so ako hinele ko, makakaidlip sya tapos pag ilalapag ko iiyak ulit. Tapos pinalitan ko ng diaper kasi nagpoops pala so sabi ko ah kaya nagising ng naiyak.
Nung napalitan ko na, hinele ko na ulit at nakatulog tapos nung ilalapag ko umiyak ulit. Edi tinatapik tapik ko na lang tapos umiiyak pa di ayaw tumigil so nagising asawa ko at sya nagbuhat para ihele, tapos ayun mas lalong lumakas yung iyak at nagsimula na syang tumili na hindi naman nya ginagawa kahit umiiyak sya sa umaga.
Syempre bilang nanay nag alala ko, sabi ko parang iba naman. Nagtimpla ko ng gatas nya tapos pinadede ko kasi iyak ng iyak. Dumede naman ng humihikbi tapos nung inalis ko yung dede para punasan yung natatapon sa pisngi nya, nag iiyak ulit at ayaw na dumede.
Iyak na sya ng iyak ulit at tumitili. Takot na takot ako na baka may masakit. Nilapag ko sya tapos chineck ko kung may kagat ng langgam or lamok or kung may mapula, wala namang kakaiba. Wala din sya lagnat pero ayaw tumigil kakaiyak.
Dinala ko sya sa kabilang bahay, sa ate ko tapos iyak pa din ng iyak at ayaw pabuhat sa iba.
Bumalik kami sa bahay, naiyak na din ako sa sobrang pag aalala. Tapos kinakausap ko sya habang umiiyak. Nagdadasal ako. Hanggang tumigil sya at nakatulog habang nahikbi.
Tapos ito nagising ulit umiiyak pero saglit lang nakatulog ulit.
Ano po sa tingin nyo?
Anonymous