Pamumula ng pwet

Namumula pwet ni baby. ano po dahilan? baby wipes naman pang punas namin pero paiba iba kami ng brand ng diapers nya. pwede ba yun maging dahilan ng pag redness ng pwet nya? una kasi huggies sunod EQ sunod naman pampers ?

110 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Mas safe po sa baby ang cotton and warm water mommy since delicate pa po ang skin nila. Then much better pong mag stick sa diaper kung san hiyang ang baby nyo and make sure na napapalitan agad para di mababad sa wiwi/pupu para di po mairita ang skin ni baby :)

Pwedeng nababad yung diaper ni baby sakanya. Ako kasi since birth ang baby ko hanggang ngayong 17months niya. Wipes gamit ko, pero never namula or magkarashes siya sa wipes. Yung wipes lagi na binili ko din is yung hypoallergenic, alcohol free and paraben free.

dapat kung ano hiyang k baby na diaper yun nalang po algi gamitin.sa baby ko di sakanya hiyang EQ kaya pinalitan ko pampers so ok naman kaya yun na gamit baby.tsaka pag na poops si baby gamit ko cotton at maligamgam na water. calmoseptine mommy super effective.

magaspang kase yung wipes and may halong chemical baka dun na alergy c baby try mo lang po muna yung cotton w/warm water ipang hugas mo ky baby then .i dry mo muna yung affected area then ipahid mopo yung clotrimazole yan po yung binigay ng pedia ni.baby

Post reply image

huwag mong hayaan na mababad sa wet diapper si baby. any brand nman na cloth like are okay as long as di mo sya hhntayn ung masuper puno at mGleak na kasi don tlga mairirate skin ni baby. for me ok lng na medyo magastos sa nappy kesa nman magsuffer si baby.

cotton and warm water lng po panglinis kay baby. .tsaka siguro dun lng kau s iisang diaper wag ung paiba iba kasi iba iba ang component ng diaper though kung mkikita mu sa wrap is same lng. .pero ung quality n satisfied ung skin ni baby dun nlng.

Lagyan nyo po petroleum yung may red na part or bili po kayo nung powder na pang anti rashes. Baka po kse naiirita sya sa wipes or sa diaper. Much better cotton, water and soap muna kpag nasa bahay lang then wipes kpag umaalis kayo. 😊

Mas ok po na water at mild soap po ang panghugas kay baby kesa po sa wipes. May chemicals din po kasi ang mga wipes at pwede rin po mag react sa diaper ni baby kaya po may irritation na nangyayari sa balat ng babies natin.

Ang wipes mas nakaka rashes daw yun sensitive ata skin baby mo pero ang dabest talaga bulak na may tubig lang ang pang punas jan sa maselan part ng baby kasi nga sensitive sympre pati na rin pwet yun lang bulak lang na may tubig

Thành viên VIP

try nyo po muna magfocus sa isang brand. observed nyo po. and better use lukewarm at cotton for cleaning po. nung namula pwet ng baby ko nuon, hindi naman sya totally rashes. pula lang tlaga binawalan ako mag wipes ni pedia.