Sa wakas!

Hello, My name is Kyro Noah B. Francisco EDD: August 20, 2020 DOB: August 19, 2020 10:10am 3.3 kg Share ko lang naexperience ko sa panganganak. First time mom po ako at hindi naging madali sakin ang panganganak. August 18 - Bago matulog umihi muna ako, pagkalabas ko ng CR biglang sumagi sa isip ko na magkilay na kaya ako baka kasi manganak nako HAHAHAHA kilay is life pero hindi ko tinuloy kaya pumasok nalang ako sa kwarto. Bandang alas dose ng gabi, hindi nako mapakali sa higaan. Upo, higa ginagawa ko, hindi naman ako nakaramdam ng kahit na anong sakit basta hindi lang ako mapakali. So humiga ulit ako tapos niyakap ko partner ko. Nakaramdam naman ako na para akong natatae na hindi pero hinayaan ko lang. Maya-maya bigla akong nakarinig na may pumutok pero binalewala ko lang din gaya nang pagbalewala nya sayo hahahah charot tapos naisipan kong tumayo kasi parang naiihi ako. Pagkatayo ko may tumulong tubig, dali dali akong lumabas ng kwarto habang ginigising partner ko. Nadaanan ko kwarto nila mama kaya sabi ko pumutok na yata panubigan ko. Dumiretso nakong cr tapos binigyan nila ako ng bestida. Pagkalabas ko ng cr sabi nila baka daw magpaganda pa ko HAHAHAHAH sabi ko naman baka nakaihi lang ako, hindi naman kasi ako nakakaramdam ng sakit pero pumunta parin kami ng lying-in. August 19 1:00 am kinabitan nako ng swero tapos tinurukan ng pampahilab kasi 2cm parin ako. Mga ilang oras hindi pa ko nakakaramdam nang masyadong sakit kaya nakakatawa pa ko. Mga bandang 5am ie ulit ako 6-7cm nako tapos tinurukan ulit pampahilab, dun ko na naramdaman yung sobrang sakit talaga. Pinag-almusal pa ko ng milo tsaka biscuit ayaw ko pa nun kumain kasi wala akong gana pero pinipilit ako ng partner ko, nagjojoke pa nga sya para lang tumawa ako pero wala nang epek sakin yun kasi sobrang sakit na. Maya-maya may pumasok na babae, nilagyan ng swero tapos tinurukan din. Ang daldal nya para lang syang hindi naglalabor tapos bigla syang nagsabi na natatae na daw sya. Alam nyo mga bes tatlong ire lang siguro lumabas na yung baby nya. Napapasana all nalang talaga ako nun habang di ko maipinta yung mukha ko sa sakit. Syempre ako din, di papahuli kaya sabi ko natatae nako, kaya umire ako, sa kakaire ko ang lumabas eta HAHAHAHAH pero wala akong pake kasi yung kasama kong babae tumae din pero normal lang daw yun. 7am - Sobrang sakit na talaga pero hindi ako nag-iingay sinasabayan ko lang ng ire pag sumasakit para daw bumaba yung bata kasi hindi pa nila kita masyado yung ulo. 8am - Sinubukan ulit nila, so ire din ako. Nakikita na nila yung ulo pero need pa talagang bumaba pa kaya ire ako ng ire. 8:30am - Sobrang sakit na talaga. Pinapaanak na nila ako. Nakalabas na daw yung ulo ng baby ko kaya konting ire pa pero kinakapos talaga ako kaya bumabalik yung bata. Paulit-ulit nalang na ganun kaya pinapagalitan nako kasi kawawa yung bata. Dinadaganan nako ng midwife sa tyan para lang mapush pero hirap talaga ako umire laging kapos. Tinawag na yung partner ko pero hindi pa rin, tinawag na rin mama ko pero hindi pa rin talaga. Sinubukan ulit nila, dinaganan ulit tyan ko pero kapos talaga ire ko. Napapagod na yung dalawang nagpapaanak sakin lalo na yung dumadagan sa tyan ko. Tinawagan na nya yung doctor kung anong gagawin sabi pag hindi parin daw ipunta nako ng hospital para maCS ako. Alam nyo mga bes nung narinig ko yun bigla kong nakita yung 100,000 sa utak ko HAHAHAHAH kaya nung tinanong ako kung kaya ko pa agad akong sumagot na kaya ko pa hahaha wala eh kailangang kayanin kasi pobre lang tayo. 9am - Sinubukan ulit namin pero hindi parin talaga. Kapos pa rin kaya pinapagalitan nako kasi humahaba na daw ulo ng anak ko. Yung nagpupush na midwife gusto nang sumuko, gusto na nya kong ipadala sa hospital pero yung isang midwife na tagasalo ng bata ayaw nya pumayag. Sya talaga nag encourage sakin na konting ire nalang daw lalabas na anak ko. Si mama naman nasa tabi ko nagdadasal, nagsasabi na rin ako sa kanya na hindi ko na kaya kasi hinang hina na talaga ako pero positive pa din si mama na kaya ko kasi wala kaming pera pang cs HAHAHAHA pero anong oras na mga bes hindi parin talaga nalabas baby ko nun. Lahat na ginawa ko pero nagkulang pa rin talaga ako 😂 sabi ni mama papuntahin nya daw si ate sa loob baka daw kasi ayaw lumabas nung bata kasi nagkaaway kami nun ni ate. Bago lumabas si mama sinabihan sya nung midwife na tagasalo na lawayan daw ako sa tyan alam nyo mga bessy pagkalabas ni mama ilang minuto lang lumabas na yung anak ko. Yung paghihirap ko nawala lahat nung nilagay sya sa tyan ko. Akala ko nga di ko kakayanin kaya nagpasalamat talaga ako kay God na ligtas kaming dalawa ng baby ko. Ps. Nagka almoranas nga pala ako dahil sa kakaire ng hindi tama HAHAHAHAH ang sakit bes. Yung tahi ko naman ang dami feeling ko nga pati butas ng pwet ko natahi na rin hahahaha by the way sa mga manganganak palang dyan lagot kayo hahaha joke! Kaya nyo yan mga momsh basta be positive lang kayo na mailalabas nyo yan at walang mangyaring masama sa inyong dalawa ng baby nyo. Godbless!

Sa wakas!
60 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

tawang tawa ako dun eh.. 🤣 congrats momi.. ganyan na ganyan din ako sa 1st baby boy ko hnd ako marunong umire kaya bumabalik yong baby ko sa loob at ngkaalmoranas din ako ha sa kakaire ng di tama.. hahahaaha. sana nga dto sa baby girl ko hnd na ako phirapan at lalabas din sya kaagad. natatakot at naeexcite na ako ngayon palang.. 36weeks na here ✋

Đọc thêm
4y trước

hahahha thankyou momsh.. sana marunong na akong umire dis tym. 😂🤣

same case tau momsh gnayn din ako kay baby pero ung skin kc nka cord coil cia tsaka nkadapa pero nainormal ku nman khit 3hours ciang pinupush dagan gnawa pra lumabas😅😅 nkailang position din bgo lumabas thanks god khit cordcoil at nkadapa c baby healthy nman cia lmabs

4y trước

congrats momsh ❤

ahahaha sa akin ung husband ko ang pina alis sa labas ng delivery room.. kasi tagal ko din nailabas c baby, pag alis ng husband ko sa pinto ayun lumabas na din c baby.. muntikan na din ako iwanan ng nag papaanak sakin hehehehe...

4y trước

hahahah ganun din yung isang midwife gusto na din akong iwan hahahah

hahaha.. ang komedyante mo mag kwento mommy.. feeling ko nsa harap lang kita habang nagkukwento.. take note! na-imagine ko p! not boring basahin khit mahaba.. ☺️ buy d way, congrats! ☺️

Thành viên VIP

Funny ng pagkwento nyo naaliw ako mommy, pang positive vibes talaga. Anw, congrats. 😊 Di pa tapos ang nightmare, may puyatan stage ka pang haharapin hahaha

4y trước

hahaha oo nga po eh. sakit din magpadede 😂

Wow! Congrats po! Normal delivery po ba kayo? Ako po kasi nangangamba na baka iCS kasi based po sa ultrasound ko nitong umaga. 3.5grams na daw si BB 😢

4y trước

Opo normal lang po. kayo nyo po yan basta pray lang po ❤

Thành viên VIP

congrats momsh...hahaha prang lahat ng naekwento mo pinagdaanan ko nong nglabor din aq😂😂😂pti almuranas meron din aq😥😅..

4y trước

hahahah matagal ba to bago mawala?

Congrats mommy kahit mahaba tinapos Kung basahin nakakatuwa ang experience mo,, by d way thanks God parehas kayong safe ni baby,,,

4y trước

thankyou po 😊

Thành viên VIP

hahaha mamsh laugh trip ng post mo. 1st time mom rin aq and oct na q manganagak di q alam if maeexcite ba q o matatakot hahaha

4y trước

hahahaha matakot ka nalang momsh 😂

Thành viên VIP

Wattpad left the group 😂😂 ang ganda naman ng experience mo.. Thanks God safe kayo pareho ng cute mong baby..😊

4y trước

hahaha thankyou po 💓