bakit kaya ganon yung partner ko?? ?
Nalulungkot lang ako para sa baby ko kase, lagi nalang pag mag oorder ako ng gamit online at ipapakita ko sakanya. lagi nalang syang galit sasabihin "saka nalang, matagal pa naman" kahit sa pag iisip ng name yon lagi sinasabi nya, pag iisipan nya pa daw pag may binibigay naman akong name kesyo di daw maganda pero sya naman walang maibigay. Di naman sa wala kaming pambili pero parehas naman kaming may savings at maganda naman ang work nya arch. Po sya. Pero bat sya ganun?? 8months na ko ngayon pero di pa din kami nag start mamili ng mga kailangan ni baby. Naunahan pa kami ng mom nya kasi excited din dahil first apo.. Nalulungkot lang ako kase parang pag dating lagi kay baby. Saka nalang... ???
Buti di rin ganyan asawa ko. Naglista ko ng kulang ng baby namin ung mga body wash, shampoo, oil etc sinabi ko sa kanya mag iipon kako ako para makumpleto ko na. Binigay sakin ung natitirang pera nia sa atm kahit wala na syang allowance idagdag ko daw sa bibilhin ko haha tuwang tuwa ako ayoko sanang tanggapin kase nga naaaawa ako sa kanya baka wala ng allowance sabi sakin para naman daw kay baby. Napa i love youuu tuloy ako hahaha Magtabi ka nalang siguro, ikaw nalang bumili sasama pa loob mo masama yan
Đọc thêmMay ibang lalaki po n mtgal magadjust emotionally at mentally, d ktulad ntn.hehe. maybe he needs adjustment. try subtle approach mamsh, kpg kakain or may moment kayo, ilapit mo si baby sa kanya, pahawakin mo sya s tummy mo, pakausap mo kpg nramdaman mo sumisipa. Pg may convo,dpt palagi kayo.. (kami ni baby) O kaya simulan nyo n mgtawagan ng mama, papa..Para unti unti niya mramdaman yung kuneksyon niya as a dad. He needs connection to your baby as early. Kaya mo yan mamsh. 😊
Đọc thêm8 months ka na, hindi ka na makakapag-ikot-ikot niyan sa malls. Online ka na makakabili halos. Actually, di mo na siya kailangang hintayin, bilhin mo kung ano gusto mo para sa bata, kung ano needs niya. Tutal kamo at may pera ka naman. Yaan mo yung partner mo, gamitin mo yung pera niya sa panganganak mo. Yung pera mo, ibili mo ng mga gusto mong gamit ni baby. Pag-usapan niyo kung bakit ganyan ugali niya, baka naman meron siyang "issue", mainam na malaman mo na habang maaga.
Đọc thêmmy experience nba sya sa ibng ngng past partner nya na nlaglagan sila ng anak? possible po dhil don. nianiniwala sya sa pmahiin na wag muna mgprepare hnggt wala p tlga. kc kung tutuusin khit nanganganak ka kunhg me budget kyo pwede syang bumili. ako sa totoo lng mg 8mos nko wala pa kmi nbibili bukod sa my inaasahan ndin akong mga gmit na pdala ng lola. pero ung sbhn mong gling samin wala pa. pg cnabe ko sa asawa ko na bbli nko ng gnito ssabhin nya sua na bbli. hnahyaan ko lng.
Đọc thêmbilhin mo n mga gamit niya mommy pati n din mga kailangan mo pag manganganak ka na. hayaan mo nlng Asawa mo. gnyan din asawa ko madalas parang di interesado mas interesado pa sa online games niya. 8 mos na din ako at wala pa pangalan si baby ko. dahil sinasabi niya din wala pa sya maisip na pangalan. nilalait nmn niya mga naiisip kong pangalan. kaya sa iba nlng ako ngtatanong ng suggestion para sa pangalan ni baby. though may naisip nku ngayon, gsto nmn ng mga hipag ko.
Đọc thêmGanyan din sis hubby ko before saka na lang, malayo pa naman, pero dahil makulit aq at matigas ang ulo ko hahahhaha bumili na ko ng gamit :) bahala sya sa buhay nya basta priority ko is ung anak ko... ngayon 8 mons. Preggy na ko konti na lng mga needs ko very minimal na lang :) ganyan siguro talaga mga lalake walang sense of urgency at mahilig magprocastinate.. pero masaya naman si hubby kapag nakikita nya mga binili ko para kay baby :) first time parents din kami :)
Đọc thêmAko nagbigay ng name sa baby girl ko, oo n lang asawa ko. Pagdating naman sa gamit, ganun din naman siya, wag daw muna or saka na ang sinasabi pero ako ang nagoumilit bumili hha wala naman magagawa yun e. Di lang talaga nila forte ang mga ganyang bagay mommy pero sa loob loob nila excited din sila, believe me. Wag ka na paka-stress, wag mo ako gayahin laging stress noon kahit sa maliliit na bagay. Magmalling ka para mas maenjoy mo. Magsama ka ng tagabitbit 🤣
Đọc thêmGanyan din po partner ko nung buntis ako sobrang lungkot ko noon. Pero ngayong andito na si baby, sobrang hands on na niya tapos andami na niya feedback sa mga gamit na pinamili kong di niya pinapansin dati. Haha. Like sasabihin niya "Bat ito kasi pinili mo?" "Bat ganto tong binili mo? Safe ba to?" and ako naman "Tinatanong kita dati ah???" hehe. May ganyan lang talaga sigurong lalaki, kailangan muna nila makita anak nila bago makaramdam excitement.
Đọc thêmKahit sino mararamdaman ang Pag ka baliwala pag ganyan ang asawa😟 Hayss ! Wag paka stress😔 Ikaw nlg kusang bumili pra kay baby wag munang asahan sya kung ganyan sya sa innyo ni baby😟 thanks God parin ako kasi kahit mas matanda ako sa asawa ko ng 4yers tapos buntis ako ngaun sa unang baby namin ramdam ko kung gano nya kmi ka mahal at ganu sya ka exsyted sa pag labas na aming baby 🤰 Kaya ikaw moms wag Paka longkot malolongkot baby mo 🙂
Đọc thêmbaka sya ung naglilihi,sabi nga ng matatanda pag nhakbangan ang asawa sa higaan sya makakaramdam ng paglilihi 😂 ewan ko ba? hehe... kaya hayaan mo lang toyo ng asawa mo lilipas din yan😂😂😂 or baka may nagawa ka di nya nagustuhan or kulang sa chuk chuk lem me nemen mge leleke😂😂kaya if i wear u mamsh bumili ka ng bumili at itago mo muna para atlis di ka magsisi o mag away pa kau magasawa pag nanganak kana at wla kang gamit 😉 ok..
Đọc thêm
Wisdom's Very Spoiled Wife