ABOUT SA PARTNER
Hello mga mamsh! I just want to ask question Lang Sana about samin Ng partner ko wala Kasi ako mapagsabihan na mahingian ng opinion or payo takot Kasi ako baka i judge Lang ako nun sa huli.. Anyway, 6 years na Kami Ng partner ko and Meron na kaming isang baby then napansin ko na simula Ng manganak ako parang nag iba na din c partner ko. Andun Yung lagi nya ako sinasabihan na ang taba ko na daw,kamatis na daw ilong ko, mukha daw akong baboy at Kung ano ano pa pero pag napipikon na ko sinasabi nya biro Lang naman daw yun..Ewan ko nakakababa ksi Ng self confidence e😣 nung wala pa kaming baby maganda din katawan ko payat pa saka maayos ako lagi noon Kasi may work ako at nabibili ko mga gusto ko pero ngaun nasa bahay nalang ako with my baby and Di na ko masyado nakakapag ayus Kasi nasa bahay Lang naman at bantay Kay baby..napansin ko din na parang ayaw nya na ako minsan katabi matulog pag niyayakap ko sya or tinatandayan tinatanggal nya na na dati di nya naman ginagawa.Then nung anniv.namin ngaung month nakalimutan nya binati ko sya pero ang sagot nya lang 'anniv Pala natin.ngaun Pala Yun ? Tapos pag nag s*x naman kami minsan Lang naman namin gawin pero wala na syang romance deritso na agad sya sa patutunguhan nya..nung inopen ko naman sa kanya lahat Sabi nya ang dami nya Lang daw Kasi iniisip like mga responsibility nya para saamin. Hay..diko alam Kung OA Lang ba ako or ano .