Kaoag tinatanong ako kung ano gusto ko maging gender ni baby, lagi ko sinasabi gusto ko sana baby boy pero kapag girl okay lang kase gusto ni LIP girl. Actually okay naman kami kahit ano basta healthy. I think kase mas mahalaga na healthy kayong dalawa ni baby, lalo na siya kesa sa gender. Kahit ano naman gender niyan mamahalin mo e. Ako ramdam ko na girl magiging baby namin 3 months palang tiyan ko 😅 nung nalaman nga ni LIP dati na gusto ko boy, sabi niya sige daw sana boy nalang sabi ko hindi okay lang kung girl, bawi nalang sa next baby 😁
Yung family ko kase naniniwala na kapag inverted nipple ni baby, ang kasunod niya girl, viceversa na kapag hindi inverted nipple ni baby, boy kasunod. At dahil hindi inverted nipple ni baby, hoping na kapag ready na kami for baby no. 2 baby boy naman 😇 pero sa ngayon, aalagaan muna namin si baby girl ng bongga 😊
ma isabella