14 Các câu trả lời

ako po nung nag positive po ako sa pt after 2-or 3 weeks delay. hindi po muna ako kaagad nagpa ultrasound kasi siguro dahil wala pang pera at naisip ko rin para worth it kapag mga 3 mos na ko mag ultrasound. and thank you to this App, nakatulong siya sa akin to monitor yung ilang weeks na ang buhay sa aking tiyan. Pero syempre nandun pa rin yung doubt kasi nga wala ka pang hard evidence na buntis ka talaga or buhay ba talaga yung nasa tiyan ko. I mean kasi dahil petite ako physically, hindi masyado halata sa tiyan ko na buntis ako. kaya naman between 12 wks- 13 wks ata. dun na ako nagpa ultrasound. and it is really worth it to hear yung heartbeat niya at makita na super active na siya even though nasa 12 weeks palang siya. Now, I am in my 18 weeks and planning to have CAS sa pagdating nang 20 weeks para sa Gender reveal. 🤗

as early as possible po ng malaman nyu na buntis kayo pacheck up na po kayo agad, para may pre natal monitoring na po kayo and mabigyan ng vitamins para sa development ni baby. sobrang importante po ng early weeks stage ng pregnancy para sa development ni baby. 😊

Yes mommy pwede na. Nagpaultrasound din ako agad noong nagpositive pregnancy test ko. Transvaginal ultrasound po ginawa sakin to check if buntis talaga.

Yes po, pwede na. transvaginal ultrasound po ang gagawin sa inyo ng OB esp if di niyo na po maalala yung last menstruation period niyo po.

As of now, required na talaga magpa ultrasound kapag first time ang checkup para malaman kung ilan weeks na :)

VIP Member

yes po, nagpacheck up po ako agad nung nalaman ko na preggy ako and pinagultrasound ako ni Ob ng 6 weeks

yes pwede po. ako nga nagpa ultrasound agad nalaman ko na 6 weeks na pla akong preggy

Pwede na po yan. TransV po gagawin sainyo. Para malaman kung ilang weeks na siya.

TapFluencer

Pwede napo momsh. Transvaginal ultrasound po

Safe naman po. Ako po nun sa tanda ko 6 weeks palang or 8 weeks nung nagtransvaginal ultrasound po ako, nakita po kung may heartbeat na at ung laki ni baby. Parang I papasok po un sa vagaygay po tas makikita

oo kaso pag subra aga pa wala pa makikita..

ilang weeks po ba dapat bago magpa ultrasound?

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan