33 Các câu trả lời

Same tayo sis, nawala din baby ko nung december & after 5 months eto I’m 11 weeks pregnant. Halos magkasunod lang din tayo. God is Good. 🤗 Yes sis, pricey ang duphaston at pareho din tayo 3x a day. Duvadilan umiinom din ako kasabay ng duphaston, 3x a day din. Sabi nga nila mahal ang magkababy pero wag nalang natin isipin yun kase mas mahalaga parin yung kaligayahan na maibibigay satin ni baby paglabas. Priceless & worth it. 🤗💕 Ingat kayo parati ni baby, sis. God bless. 😘🤰🏻 P.S Try mo sa mismong OB mo ikaw bumili ng duphaston kase nagtanong ako sa mga pharmacy. sa OB ko, 50/tab lang pero sa ibang pharmacy 71 to 81/tab.

yes po sis.. my history dn aq miscarriage.. last yr. and na preggy ulit aq this yr... kaya advice ob q 2 mos. duphaston 3x a day. and bedrest.. kya ng resign na aq sa work.. mbigat sa bulsa ung gamot pero super worth it.. kc nkkita m lumalaki c baby sa chan m na healthy. ang importante wala kang spotting..

Pina stop n kc ko nung nag 12 weeks ako.ewan ko lng ngaun ung patataken b ko kc bumalik uti ko nananakit balakng ko

Same tayo sis nakunan din ako last yr december. Pero nung nalaman kong buntis ako ngaung taon, ibang pampakapit bnigay sakin ng OB ko. Progesterone, once a day lang. Pro 3months ata ako uminom nun. Now i'm 19weeks. Tinanggal na ung pampakapit simula nung 16weeks. Godbless sis! Ingat palagi

Same here 3x a day for 30 days at may isoxilan pa 3x a day din. Naloka ang mister ko kc ang mahal ng pinagbubuntis ko sa panganay vitamins lang at never napaultrasound. Pero keri lang kc matagal na naming hinihintay to. May history din ako ng miscarriage but that was 7 years ago.

Yes po, since may history kayo ng miscarriage previous pregnancy mas mataas po ang risk na maulit kaya si ob ngpeprescribe nyan, usually first tri kasi dun po hi ang risk ng miscarriage. Pero once naman po siguro ok na ang kapit ni bb stop na yan.

VIP Member

Hi sis ako din 3x a day ng duphaston for 1 month. Tinetake ko cya ng 6am, 12nn, and 6pm. Meron pa akong Progesterone heragest during bedtime for 1 month din. Suppository cya sa pempem. Meron akong subchorionic hemorrage na minimal last tvs ko.

Btw nakunan din ako 5yrs ago ang nalaman namin na bagsak ang level ng progesterone ko kaya ako nakunan. Kaya feeling ko malaking tulong ng duphaston and heragest sa akin ngayon. Kaya sundin mo lang si OB. Im 8 weeks 3 days pregnant po

VIP Member

Same tayo ganyan dn sakin na reseta nung 8 weeks ko and wala ako spotting. Almost a month dn un 3x a day. Now 20 weeks preggy and baby is very active sa tyan ko ☺️

Ganyan talaga momshie.. trust your OB. Ako din namulubi dyan sa duphaston. Niresetahan ako 3x a day for 15 days. Tas nun di parin ok another 3x a day for 10days naman

I think SOP sya once nakunan ka lalo at wala pang 1 year. Yes, pricey nga yan, sa OB mo ka bumili, cheaper than mercury drugstore. Nag duphaston din ako before, 2x a day.

Same sis, nag duphaston ako 3 yimes a day

Depende po sa situation sis. Kasi sa akin, twice daily for 2 weeks lang naman. In your case na nagkaroon ka na ng miscarriage before, naniguro na po OB mo.

Kaloka nga ang price sis. Pero keri lang para kay baby! 😄

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan