16 Các câu trả lời
nakunan din ako, 3years ago. then nung tingnan ako sabi malinis na daw at nagpaultrasound din ako. sabi sakin okay na daw. di ako nirecommend na magpa raspa at magtake ng mga gamot. pero na alarma ako sobra kasi pagkatapos nyun bumaba self confident ko dahil parang di pako mabuntis inisip ko na baka di nako mabuntis ulit kasi active naman kami ng dati kong partner. halos araw arawin na namin lagi naman sa loob kasi gusto na talaga at gusto ko na sya mabigyan hanggang sa nawalan na ng gana at nagkalabuan na kami at natapos kami sa paghihiwalayan grabi yung stress ko nyun. pero nung my nakilala ulit ako hanggang sa naging bf ko at ngayon malapit na kami ikasal 4months palang ng relationship namin nabuntis ulit ako. 1months lang namin ginawa yung laging sa loob at my nabuo kaya sobrang saya na mali pala lahat ng akala ko at magkakababy na ulit..
same tayo momsh. nakunan ako at di na q nag pa check up kac after lumabas ang placenta q nag bleed pa aq like nireregla for 3 days. tapos nag wait ulit aq ng next menstruation bago mag concieve ulit ng baby. umiinom lang ako herbal non na pambalinis at pampalabas ng dugo. ngaun 11 weeks pregnant na ulit ako😀
Nagtatanong ka dito kung ano dapat mong gawin eh sinabi na nga ng OB mo ang dapat mong gawin. Kung walang budget magpa raspa eh di bilihin mo yung gamot. Find a way kasi para din yan sa ikakabuti mo. Ang pera mahahanap mo, prioritize your body and your health.
Sinagot na po ng ob niyo ang dapat gawin. Magpa raspa or uminom ng med. Wala na pong ibang dapat gawin. Wag pong pasaway kung ayaw niyo pong mapahamak kayo. Health niyo po ang nakasalalay jan.
ganyan den yung tita ko nakunan tapos di nagparaspa walang ininom na gamot ne di nagpacheck up nga eh kapos kasi sila.. pero after months nabuntis naman na sya agad at ngayon 2yrs old na baby nya...
need m sundin ung o.b m nung nkunan aq malinis n daw ung uterus q wla n ung bata kya no need raspa n daw aq pero pnainum aq ng meds ng o.b..
gawan mo na lang ng paraan need talaga magparaspa at inom ng meds baka mapano ka kapag di mo ginawa. Di naman ganun ka expensive kung sa public hospital
Sabi mo nga, sinabi na ng ob mo na kailangan mong paraspa or inom ng gamot. Kailangan mong sundin yon, para din naman sa ikabubuti mo yun.
DITO KA MAG ASK NA di professional OB dito samantalagng yung OB mo na naka pag aral na nag suggest gagawin di mo pinakinggan
Makinig po sa OB nyo…. Mahirap balewalain ang ganyan baka maging cause ng kung anung sakit sa future.