227 Các câu trả lời
Yes. Nakita ko syang umiyak nung nagka gawa ako ng pag kakamali 😔 im not perfect person. Mag live in kami nun then nag aaral ako sya nag wowork natukso ako then nag ka ibang bf nung nalaman nya nakikioag hiwalay nako kaso nakita ko yung iyak nya sobrang sakit 😣 pero d nya sinabi sa side nya at sa side ko yung nangyare kami dalawa lang nakaka alam dahil gusti nyang maayos. nung sinabi kong ayoko na talaga. Sagot nya lang saken ' sige hindi kita pipilitin na mahalin moko pabalik, kung masaya ka sa kanya hahayaan kita na mahalin sya kung dun ka masaya, pero pag sinaktan ka nya wag kang mag dadalawang isip na bumalik saken kahit ano pa nangyare tatanggapin kita kase mahal kita' sobra sakit ng narinig ko kaya nakipag hiwalay ako dun sa nakilala ko sa school at nag focus sa kanya. untill now 7 yrs na kami. at mag kaka baby na hindi pa din sya nag bago sobrang ma alaga sya samen ng baby ko. kahit pagod sya sa trabho sya lahat gumagawa ng gawain bahay.
I saw my soon to be husband cried when he was nervously waiting for me outside the hospital since he’s not allowed inside during my TVS. It was my 3rd month and I had spotting. OB said I could prolly have a miscarriage back then. When he checked on me, he said quote unquote “Mahal ko kayong dalwa ng baby naten ano man mangyare.” To which I replied, “anong dlwa? Tatlo!” Result showed I have twins. He was so happy that he made an excuse to the guard to see me and he was literally crying. 😀 Sorry napakwento, naalala ko kasi and I couldn’t help it. hehe
I think once ko lang sya nakitang umiyak.. The time na we were about to break up as bf/gf kasi he broke his promise. Pero, that fight made our relationship stronger, we are now happily married. I trusted him even more and he assures me of everything. Never sya nagkabisyo, hindi din sya palainom or should I say hindi na sya umiinom nung naging kami coz I dont drink either. He even doesn't smoke. Except talaga sa ML. Haha. I allow him to play naman pero sabi ko if it is babies' time, he should know his priorities. Happy and blessed to have found such guy. 💕
first time nung mawala anak namin due to miscarriage. pero seldom lang talaga sya umiiyak.. nakakapanghina pag umiiyak sya kaya as much as possible palagi syang nagpapatawa at naglalambing sa akin lalo na kasi halos parating ako ang umiiyak. Palagi nyang hiling na sana ibalik ko na daw yung dating ako. pero ang hirap naaawa na lang ako sa asawa ko kapag nakikita na naman niyang umiiyak ako. napakasupportive nyang asawa sa akin kaya lang mahirap maiwasan ang lungkot sa pagkawala ng baby namin. 💔😢
yes , yung ng.life between death anak ko 😭 .. narinig ko sabi nya humihingi sya ng tawad sa mga kasalanan nya sa panginoon kse nasa simbahan kme that time .. sabi nya iligtas nyo lng po anak ko sa nangyari sa knya .. sa awa ng diyos ok na anak nmen 3 years old na at sobrang spoiled sa papa nya galit na galit sken kpag nagkakasugat anak nya or magkasaket .. kse ayaw nya maulit yung ngyari dti ..
hindi pero ramdam ko pag aalala nya sakin,, nung 2nd baby namin via CS sabi sakin ng kapatid ko umiyak daw siya super worry siya sakin at kay baby 😊❤ kaya parang na iyak ako na happy ,,napaka blessed ko sa hubby ko napaka caring nya samin..😇❤ and pag inaaway ko siya parang tampo lang mag hug and kiss siya para mawala inis ko... minsan may mood swing ako..😅
yes. nung nahuli ko sya nagcheat sa akin for the first and 2nd time. sabi ko dun ka na sa kabit mo tutal naman hindi ako mahalaga sayo, nakakahiya naman ako pa hadlang sa paglalandian nyo, d na kita pipigilan, sapat na yung isang beses kitang pinaglaban at nakiusap na umuwi sa akin. tapos di ko kinikibo dahil ayaw ko makabitiw ng masakit na salita laban sa kanya.
Yes... Nung flight ko to work overseas for to years, nung nakunan ako first baby namin. Nung naospital ako dahil nagpreterm labor kay 2nd baby at 28weeks. Tapos nung namatay ang second baby namin dahil dina napigilan lumabas at 32weeks fought hard in the nicu for 4 days before she gained her wings to heaven due to complications of lungs and heart😢
I think kelangan natin iencourage ang mga kalalakihan na huwag isupress ang kanilang emosyon dahil tao din sila. Maganda na ipakita nila ang weak side nila dahil hindi naman ito nakakabawas ng pagkatao nila. Kailangan natin ichampion ang maayos na mental health. Ang healthy na mental being ay nakakatulong sa pagbuo ng maayos na samahan sa pamilya.
Oo. Nun kasal namin, nung sinabi ko sa kanya na buntis ako, at may mga pagkakataon na niyayakap nya ko ng mahigpit tapos nararamdaman ko nalang luha nya sa balikat ko. Pag tinatanong ko sya kung bakit either sinasabi nya na sobrang saya nya at blessed sya kasi kasama nya ko, or mahal na mahal nya ko di nya kaya pag nawala ako sa kanya.
Jan Carla R. Gulla