Pamahiin: Wag iiwan si baby mag-isa!

May nakita ako sa tiktok na wag daw iiwan si baby mag-isa sa crib, or sa kwarto kapag walang kapalitan. Kung pupunta ka daw sa banyo para umihi, mag-iwan daw ng gunting sa crib ng bata okaya naman ng salamin, o tingting para daw hindi kuhain ng multo/aswang ang kaluluwa ng bata. May mga nanay din na nagkwento dun na iniwan daw nila yung baby nila sa crib para mag-banyo at pag balik nila, nasa floor daw ang baby. Hindi daw kumalabog, nakaayos pa din daw ang crib at ang unan, nakalagay pa din daw ng maayos ang kulambo. Para sakin kasi delikado maglagay ng gunting sa crib ng baby lalo na lumilikot na sila. Hindi ako naniniwala dito sa pamahiin na 'to. Ikaw, naniniwala ba kayo sa pamahiin na ito?

Pamahiin: Wag iiwan si baby mag-isa!GIF
46 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

mas mabuti pong ipag pray si baby bago iwan. kaysa sa mga bagay na maaaring makapag pahamak sakanya. Iba padin ang prayer :) tipong walang makakalapit sakanya kase protected ng Blood ni Jesus ♥️

Minsan sa kakapaniwala sa pamahiin, mas lalo lang kayo madidisgrasya nyan. Agree ako na wag dapat iwan si baby mag isa dahil they are fragile pa pero yung sinasabi mong multo/aswang/kaluluwa that’s a myth. Sa Dios po dapat ang tiwala natin palagi.

Walang masama sundin kung wala naman mawawala diba? Rosary nlang and red clothe sa tabi ni baby, pwede ikumot skanya un clothe wag na po yung matutulis na bagay. Saka dapat may ilaw, kahit dim light lang basta kita c baby.

mas nakakatakot na mag iwan ng sharp object sa tabi or malapit sa baby. Wag maniwala sa mga napapanuod. Mag install ng cctv camera

some pamahiins are originally demonic po . mas mabuting magdasal kayo for your baby's safety 😊 GOD will keep them perfectly safe . ♥️ always pray and have faith lang and GOD will do the rest ♥️

Influencer của TAP

Hindi ako naniniwala sa ganto, di naman maiiwasan na di nten maiwan kahit saglit ang baby nten lalo na sa madaling araw kapag iihi, alangan namang tulog ang baby mu tpos isasama sa cr, yun ang no, no.

Naalala ko lang way back 2015, yung pamangkin kong newborn iniwan saglit ng nanay nya sa kama sa kwarto ng tulog dahil mag ccr pagbalik nya nasa baba na ng kama si baby mahimbing padin tulog.

hindi ako naniniwala sa. safety first para sakin. pag gusto mo mag banyo, tawagin mo ang kasama mo sa bahay para bantayan saglit si baby. hindi gunting or tingting na alam ko makaka harm sa kanya.

2y trước

siguro para sa akin dapat mabilisang kilos na lang. kung mag ccr at bukas na lang siguro ung pinto ung matatanaw pa rin si baby .. basta di lalagpas ng 5 minutes.

Thành viên VIP

hindi ako naniniwala sa ganyan lalo na sa advance ng technology natin ngayon. way lang ng matatanda siguro noon para di iniiwan ang sanggol magisa ng Wala nagaalaga

Reading the replies at 2am. Medyo natatakot ako mga momsh ah hahahaha katabi ko naman si baby natutulog, safe and sound. Pero ang creepy ng stories ah 🫣😅

2y trước

sa true, creepy. prayer is the best for me.