19 Các câu trả lời
Iwasan nyo nalang po yung bata or maybe kaibiganin nyo, try mong mapalapit sa bata baka mas maintindihan nyo po yung reason behind her attitude at maturuan nyo po sya sa dapat iasta nya. If wala po kasi talagang sisita sa kanya, di nya marerealize na may mali na sa ginagawa nya. Pero bago mo gawin yun dapat makikinig na sya sayo. Hindi makikinig sayo ang bata hanggat hindi malapit loob nyan sayo. Speak words of kindness po sa bata, wag sisigawan o papaluin without telling them kung anong mali nya. Kapag di po talaga effective, lipat nalang po kayo kahit ayaw ng inlaws nyo, sabihin nyo po yung reason para mas maging considerate sila baka maging wake up call pa sa kanila yun na may nakakapansin na sa maling ugali ng apo nila. Mas magiging mahirap lang din kasi yan kapag lumabas na baby mo, syempre sa baby mapupunta yung attention ng family baka ma-feel out of place or neglected yung bata at sa baby nyo pa gumanti or mas lalong maging worse yung ugali kayo pa rin magsusuffer.
Real Talk: Kapag kayo nakikitira lang sa mga in law nyo wala kayo karapatan magreklamo kasi nakikisiksik lang kayo lalo kapag sila pa nagpapalamon sainyo. Kung ayaw ng stress sa mga kasama nyo sa bahay bumukod kayo. Ate ko nag-asawa tumira samin for one year nag away kami,kaya ayun sabi ko lumayas sila sa bahay namin. Tinulungan ko pa sila mag asawa maghanap ng upahan nila oh edi now masaya kami lahat kanya-kanya. Kaya itong bunso namin kapag nag-asawa sya automatic aalis sya sa bahay namin! Paano matuto kung lagi nakasandal sa magulang? Mula bata hanggang nagkaasawa na lahat sa magulang pdin? Lalo kapag lalaki! Naku po! Naniniwala kasi ako na kapag gusto may paraan pipilitin kapag ayaw tambay sa bahay. Asa sa magulang. Asa sa kapatid
Kung kaya bumukod, bumukod mas mainam kaso lng wala ka kasama kundi asawa mo lng pero keri myo nmn magbukod magbukod kayo, mahirap makialam sa gnyan kung aatitudan ka nya edi tsaka mo itama mali nya. Tska kung hinhintay nila baby nyo dumalaw na sila at yung sabi mo tungkol sa mister mo d havang buhay kasama nya mga yan katulad nyan magkakapamilya na sya, sya magdedesisyon para sa sarili nya total my mga kasma nmn ung maiiwan nya sa bahay, mahirap talga yung gnyan mahirap yung nagtitiis klng masstress klng mamsh.
Ganyan na ganyan yung pamangkin ng asawa ko . Unang apo kasi ,npaka letche ng ugali . Bastos . Noon diko pinapansin pero ngayon pinapalo ko na at nagkagalit pa kami ng byenan ko na babae ska ng hipag ko . Kahit sino nilalabanan . Lolo man o lola nya . Tito man o tita . . Ayoko pa nman sa ganong bata . Mag 2 years nko dito sa bahay ng asawa ko. netong nkaraang buwan ko lang pinatulan sa sobrang asar ko. 7 years old na sya. Mahilig pa magpa inggit ng laruan sa anak ko .
Ansarap Paluin ng mga ganyan bata!! Nang aaway pa bwsit
Wala kayo magagawa dyan kasi unang una nakikitira kayo, mas nauna yung bata dyan sa bahay na yan kesa sayo. Intindihin mo na lang bata yan eh ikaw na din nagsabi na walang Nanay kaya siguro yun yung way nya para makuha atensyon ng mga lola nya. If di nyo kaya ang stress na binibigay ng bata bumukod kayo, lagi ko nga sinasabi pagnakabukod less stress more happiness.
I feel you, Mamsh. Yung kapatid ko naman wala siyang kusa need pang sabihan or iremind. Dahil buntis ako, ignore ko na lang kesa si baby ang mapasama. Choose to be kind pa rin po. Wala tayong mapapala kung magpapaapekto tayo. Tayo din ang mapapasama. Ipag pray nyo na lang din na in time mag mamature na din si bebe gurl. 😊
Best thing to do talaga is bumukod na kayo. Nasa pagpapalaki din po siguro ng nga taong nakapaligid sa kanya kaya ganyan siya. Mahirap talaga magpalaki ng anak sa extended family set up. Kadalasan ung lolo at lola ang nang sspoil ng mga bata na kadalasan nagiging dahilan kaya hindi din nakikinig sa magulang.
Ipaliwanag nalang ng asawa mo sa biyenan mo na nhihirapan ka dahil nasstress kasi medyo makulit yung bata.e buntis kpa naman.im sure maiintindihan naman nila.para sa baby nyo din naman yun e 🙂
sis wag mo na lang po pansinin pwede naman pagsabihan yun bata naman po tsaka wala di naman magagalit alam naman siguro ng mgulang na ganun ang ugali di ka naman siguro aanuhin ng magulang nya saying lang po
Ang dapat mo pong gawin ay bumukod kayo. Kung di nyo kaya, need mo magtiis dyan. Quiet ka na lang. Tama ka wala kang karapatan paluin ang bata. Either ignore mo or magpastress ka. Choice mo naman.
Sabi nga nila,not your child,not your problem. Bumukod kayo. Mahirap talaga yung may ibang kasama sa bahay. Kung di kayang bumukod,ignore the child🤷🏻♀️
eli