stocks

Nakapag stock na din ba kayo mga mommy ng needs ng LO niyo bago maglockdown?

stocks
96 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Kami may existing kaming 2 boxes ng NAN HW 2 na tig 1.4kg, tapos before lockdown bumili ako ng another 2 boxes na 1.4kg din. Tapos everyday until lockdown bumibili kami ng Wilkins Distilled na 7L. Meron akong ilang packs ng diapers, mga 20 something packs ng wipes, mga ilang packs din ng bottle cleanser. Bakit? Kasi ung isang box ng 1.4kg 10 days lang sa baby ko. So ung tatlong box 1 month pa lang sa baby ko un. Sa isang araw mahina 10 to 12 pieces ng diaper sa baby ko kaya kahon kahon kami bumili ng diaper. Iba-iba tayo ng circumstances. Hindi yan matatawag na hoarding kung 10 days lang ubos na agad ung pangangailangan ng anak ko. So ano every 10 days lalabas kami para lang bumili ng isang kahon ng gatas para hindi masabihan na nagho-hoard, lalo na ngayon VIRUS ang kalaban natin and we'll never know baka ung makakasalubong natin meron pala? Just be happy for her blessings. Wag na mambash.

Đọc thêm
5y trước

Oo mamsh mahirap na kasi ung mawalan ng stocks, ayokong lumabas natatakot ako magkasakit kawawa baby ko. Hehe di bale nang wala ang mommy basta si baby kumpleto 😊

Hindi naman ung "hindi magsasara" ang point sa pagbili nya. Ang point nyan para walang reason para lumabas. Saka kayo na rin nagsabi maraming stocks kasi nga hindi magsasara so anong kuda nyo sa pagbili nya nang marami? Wag nyo sya i-bash kasalanan ba nya may pambili sya at gusto nya siguraduhing merong magagamit ang mga anak nya? Nagshe-share lang ung tao imbis na maging masaya kayo for her babash nyo pa. Sakit talaga ng mga Pinoy pagiging inggitera

Đọc thêm
5y trước

Gosh hindi sa pangaano pero kung sinasabi nyo pambili lang e magkano lang naman yan mumurahin lang naman yang mga gatas na nabili nya ang point dito is bawal ang hoarding bobo ba kayo? Ipinagbabawal ng gobyerno ang paghohoard, meaning; limited lang ang pwdeng bilhin

Mga sis, please try not to hoard. Not all parents are fortunate and have extra money to stock on milk. Kawawa naman ung ibang babies na mauubusan ng milk. I am sure if you were in their position malulungkot ka if maubusan ng gatas ang anak niyo. Please be considerate of others. If di tayo magpapanic buying, there will be enough for everyone.

Đọc thêm
5y trước

Yes this comment yes this comment ka pa jan.

Thành viên VIP

Yes. 2 lo ko kaya dapat lagi merun in case of emergency. 😂 Dati nagagalit si husband sakin bakit dami ko lagi order kay Lazada kahit merun pang hindi nabubuksan. Now alam na nya why. 😁 Buti daw madami ako naorder kasi wala na mabilan dito sa amin. Sagot ko lang "Mother knows best" ☺ As for milk, si bunso bf kaya tipid kami. Si kuya formula at kumakain na din naman kaya hindi nako gaano nag stock.

Đọc thêm
Post reply image
5y trước

Ay! 🤣 Abangers ako sis pag may pa sale si Lazada or Shopee. Sa experience ko kasi mas tipid si Pampers compare sa other brands.

Si ate girl ata ang may hindi alam ng ibig sabihing ng hoarding eh? Sa pag kakaalam ko po kase ang hoarding ay bumili ka ng napakaraming pareparehong items sa loob ng ISANG ARAW! Hindi naman matatawag na hoarding yung bumili ka ng dalawang box ng gatas at dalawang galon ng gatas kada kinsenas eh. Kelangan ata ibalik ni ateng nagmamagaling sa gradeschool

Đọc thêm

Ako din lagi my stock kahit wla pang covid kasi ang hirap pag naubusan lalo at kambal din sakin, kahit my isang reserbang box pa nabili n ulit ako, lalo at weekly ako nauwi iniisip ko pano kung nde ako nakauwi kahit isang week lng my tendency na maubos ang gamit nila..kya dapat laging my stock pgdatong sa lahat ng gamit ng baby natin..

Đọc thêm
Post reply image

Nakakainggit naman po dami ng milk ni baby niyo.. ako gustuhin man magstock madami, di kaya eh.. bukod sa wala g pera, mejo mahal din ang gatas ni baby kaya tiis n lang muna sa pang isang buwan na consumption, sana lng umabot kasi mejo lumakas na siya magdede.. kaya nakakainggit ung mga nakakapag breastfeed eh, may unli milk supply

Đọc thêm
5y trước

Kambal po kasi yung anak ko 😅 kaya dinamihan ko na. Good for 2 months lang yan. Ewan na lang pero kung umabot ng 2 buwan 😂. Wag kang mag alala mommy malay mo sa susunod na mga araw may blessing na dumating sayo. ☺

Anonymous what we are trying to say po "that day" na marami Kang binili at "that day" din e walang darating na delivery sa supermarket o botika,panu Yung bibili ng "that day" din? Edi Wala na Sila mabibili on "that day" dahil nga Wala ng stock.Yun po ibig sabihin ng pag hoard. Tama ka Hindi magsasara Yung supermarket at mga botika.

Đọc thêm
5y trước

Kala siguro nila binili ko lang ng isang araw eh di ko naman yun afford 😂 kinsenas katapusan kaya sahuran namin. 7k7 nga lang sahod ko sa isang buwan. Sa awa ng Diyos buti nakakaraos naman

Yes💕 lagi kami may stock na good for 2 months kasi mahirap na pagdating ng emergency kaya mas okay langing may stock hindi na takbo dito takbo dun haha saka ayaw kasi kami dinadala ni hubby sa mga grocery store or kung saan madaming tao mahirao nadaw kasi magkasakit kaya ginagawa niya siya na mag grocery .

Đọc thêm
5y trước

True mommy. Dapat talagang may stock palagi in case na may mga situation na ganito

Ehehe panic buying momshie? No need to buy ganyan kadami kasi Hindi naman magsasara mga supermarket at botika,para sa akin lang naman momshie kasi Wala ako pambili ng ganyan kadaming stock,ehehe.. pero good for you and your baby Isa ka sa mga maswerteng tao dito sa pilipinas dahil can afford ka..

5y trước

Hayss..talangka tlaga? Kaya nga sinabi Kong Isa ka sa maswerteng tao dito sa Pilipinas dahil can afford ka. Nweiz Kung Anu iniisip niyo bahala na kayo period.