17 Các câu trả lời
Ako 5mos preggy, pinagbedrest ako nung January 16 ng OB ko for 30 days, ngayon 6mos na ako, and feb 13 follow up check up namin, pinagusapan namin ng partner ko na ituloy nalang ang bedrest para sa safety ni baby, may history kasi ako ng miscarriage nung 2021, kaya ngayon mas pinili talaga namin ang pahinga kaysa magwork dahil hirap narin ako sa schedule ng store hours at straighduty plus byahe from san mateo to cubao.
hanggat may clearance ka sa OB mo to work lalo na if onsite ka, then go. But during check ups, give updates about your pregnancy para aware si OB sa status mo on your work. Yung byahe mo going/after work. ako going 33wks na pero pumapasok pa din sa office. pero sa next check up magtatanong nako sa OB kung kailan ideal magstop sa work
Hi Mii same tayo 5months na, pero ako plan ko siguro start ng June maternity leave na ko para focus na kay baby. Submitted na din ng office ung MAT1 ko and notified na ng SSS, ung MAT2 sabi ng HR to be filed daw once nakapanganak na so meaning anjan na si baby bago tayo maka claim ng benefits.
hanggat kaya pa ng katawan sguro pero iba iba tayo e. ako kasi jan.26 nag tturn over pa ako. jan 27 check up ko lang sana pero 6cm na pala ako ayun ini admit na agad nanganak din agad mga 20 to 30mins lang.😅 buti for da support head office nmin wala kasi ako reliever haha
Nag ask na din ako SA OB regarding leave, SA work ko KC dapat 45 days nakapagfile na prior SA leave.Sabi Nia Kung Di nmn physical work mo or Kung NASA harap Ka Lang Ng computer ok na daw Yung 2 weeks before, pro pag physical work mo 3-4 weeks.
most jobs 36weeks nagleleave para maiwasan ung biglaang absent pag nanganak na and ung paternity leave ma process na ren but it depends sayo kung gusto mo sundin kase ung iba gusto pumasok paren e.
If hindi ka naman high risk mi pwede mo isagad hanggang kabuwanan. Ako high risk dahil sa diabetes/hypertension pero naisagad ko pa din. 3 days palang ako naka leave nanganak na ko.
hanggat kaya po, 105 days leave credit naman yon eh nasa sayo kung kelan mo itetake kase ung mat2 tsaka na yon pag nakapanganak na po kayo
depende sayo momsh kung di ka nahihirapan. ako is 2 days before nanganak di na ako pumasok kasi tinatamad ako yun pala manganganak na
Kung hanggang kelan kaya mo po. Ako po kasi Hanggang 9mos. talaga since naka permanent wfh naman po kami.
Arlene Rayco