Nakakasama na ng loob ang asawa ko. Pagdating kasi sa magulang nya di sya marunong mangatwiran pero sakin ang tindi tlagang kinakalaban pa ako. The way pa sya magbitaw ng salita pagalit. Palibhasa kasi lagi nakikinig sa magulang nya. Sana mas iniisip nya akong asawa nya kung ano din nararamdaman ko kasi pag sumama loob ng magulang nya di na nya naiisip ung nararamdaman ko. Para kong halaman hahayaan nya lang masama loob ko di nya aalamin kung bakit. Nakakapagod na sana di nalang sya nagasawa.
Kaya lang lagi nasama din loob ko kasi laging nangengealam samin parents nya without knowing kung ano mas makkabuti samin ang mas iniisip nila kasi lagi kung ano makakabuti sakanila. Di pa malet go anak nila sana di nalang kami pinalasal.
(di po kami nakatira sa in laws ko. Panay lang ang tawag nila sa asawa ko ending asawa ko lang nagddecide kung ano gagawin samin pamilya without consulting me kung okay ba sakin ung desisyon na yon. Nakikipagdebate sya imbis na alamin o intindihin muna side ko hai basta pag may sinabe magulang nya dun nalang sya makkikinig di na ko papakinggan)
Anonymous