nakakasama lang ng loob... alam ko namang di dapat ako magpaapekto kasi ako yung nanay. ako yung may karapatan. pero naiinis talaga ako. naiinis ako sa tita ng asawa ko. na emergency cs kasi ako. so parang sinisisi niya ko kung bakit ako nacs. like di daw kasi ako nagpapacheck up. nagpacheck up naman ako kaso nag stop nung 6 months na tiyan ko dahil nga quarantine. nakapagpa check up lang ako ulit nung malapit na due date ko. tapos sinasabihan pa ko ng yung asawa ko na lang daw maghahawak ng pera kasi wala naman daw akong alam at buang daw ako kasi bakit daw hindi breastfeed ang anak ko. humihina po kasi ang gatas ko kasi di ako nakakakain ng mga masasabaw. may mga lumalabas naman kaso hindi po kasi nabubusog si baby, iyak siya ng iyak kaya nag decide akong ipag formula milk siya. nanay din naman siya, kaya sana naiintindihan niya ko hindi yung sinasabihan niya ko ng kung ano ano. sa biyenan ko nga wala akong naririnig tapos siya ang lakas naman ng loob niyang sabihan ako ng kung ano ano. at wag na wag niyang kukwestyunin bakit ako nacs. maraming factors bakit naccs ang nanay. di ko naman ginusto to at ayoko rin pero anong magagawa ko. gusto ko lang naman malabas si baby ng maayos. nakakaiyak. ayoko na sanang pansinin pero nakakasama talaga ng loob. alam ko namang ayaw nila sakin pero yung pagiging nanay ko sa anak ko wag na silang makikialam don. wala naman akong nakikitang mali sa ginagawa ko. sila lang yung naghahanap ng mali