:(

Nakakasad na nawala ang anak ko, saktong 36 weeks ko sya na pinanganak ngayon wala na. 1 week na nakakalipas, di ko pa rin makalimutan. Sobrang namimiss ko na sya sa loob ng tyan ko, yung sobrang likot nya, normal naman lagi heartbeat nya, di ko nakakalimutan lagi uminom ng mga vitamins at gatas. Bakit ganon? Bigla na lang sya sa amin kinuha ni Lord. :( Siguro may dahilan si Lord kung bakit kinuha sya sa amin ng maaga, siguro hindi pa para sa amin yung baby :( Nakakalungkot lang, sobrang lungkot mawalan ng anak. Di ko man lang sya nahawakan, di man lang sya nakadede saken :( Naaawa ako :( Biglaan lahat ang pangyayari. Sobrang hirap tanggapin na wala na sya. Sobrang excited pa naman din ako na magkakababy na ko kaso nawala lahat ng parang bula :( Hirap makamove on. Lagi na lang akong umiiyak :( Kaya napakaswerte nyo at biniyayaan kayo ng baby na sobrang healthy. Alagaan nyo, wag nyo papabayaan. Mahalin nyo ng lubos lubos. Hirap mawalan ng anak. :( ps: gusto ko lang ishare yung nararamdaman ko, gusto ko lang ilabas. :(((

188 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

I hope you're doing okay mommy.. Everything happens for a reason. Same din tayo ng situation, I should be having twins, but di nakayanan ng isa.. preemie ung other one nasa NICU. Tinatanong ko din lagi sarili ko san ako nagkulang, same, lahat ng vitamins at gatas meron ako and I have monthly check up with my OB.. and bakit binigay ng Diyos tapos binawi din.. But Kelangan marealize na baka may dahilan ang Diyos. Don't worry mommy, your baby angel is always watching and guiding you from above. You will always be his/her mother.. Wag ka na malungkot, di gusto ng baby mo na nakikita kang malungkot lagi. ❤️

Đọc thêm

condolence po.stay strong lng po and pray lng po lage ganun po cgro tlga hnd pa po sya pra sainyo at.may plano mo c god pra sainyo.minsan ko rin po naramdaman ung sakit na nararamdaman nyo ngaun.nawala din po ung 1st baby ko 27 weeks nmn po sya nun gnyn din.po ok.lahat ng check up umiinom ng vitamins at gatas tpos bgla nalang nawala heart beat nya.hirap man mag move on pero kapit lang po.bibigay din ni god ung pra syo tlga.eto ako ngaun may baby na 3months old na sya kya kapit lng po kau wag po kau mawalan ng pag asa.

Đọc thêm

Nakakalungkot sis.. sana mabasa to ng mga babaeng gusto magpaabort at sana matauhan sila, ikaw sis gustong gusto mo na magkaanak at sobrang sakit para sayo mawalan ng anak.. pero ung ibang babae gusto patayin at alisin ung anak nila.. sana sa kagaya mo nlng pinagkaloob ung baby sis kesa sa mga babaeng walang puso na gusto ipaabort ung anak nila. Sorry sis hah.. condolence po, magpray kalang sigurado naman binabantayan kna ng baby mo mula sa heaven. Hugs for you sis

Đọc thêm
Thành viên VIP

Sa mga nagtatanong kung anong nangyari sa baby ko, meron po syang abnormality na di kayang gamutin, ito po ay tinatawag na "cebocephaly" (one nostril). hindi nya po kayang huminga through nose kaya nilagyan sya ng oxygen sa bibig. 12 hrs lang sya nabuhay gawa ng oxygen. sobrang hirap at sobrang sakit isipin araw araw. May better plans pa si God, may rason siguro kaya nangyare to.

Đọc thêm
5y trước

Walang tamang salita kung paano mailalarawan ang sakit ng pagkawala ng ating mahal sa buhay. Pero may pangako ang tunay Diyos sa hinaharap na mabubuhay ang ating mga mahal sa buhay na namatay na ayon sa ulat ng Bibliya sa Gawa 24:15 At umaasa ako, gaya rin ng mga taong ito, na bubuhaying muli ng Diyos ang mga matuwid at di-matuwid.

Condolence po sis Please be strong. Jan na rin ako galing. First baby ko kinuha rin ni Lord sa akin. Pru sa pgpatuloy nang buhay natin doon natin marerealize na ang lahat pala ay my plano ang Lord. Sige lang embrace the sadness and pain na nararamdaman mo ngayon. Sooner gagaan rin ang nararamdaman mo. Godbless at pray lang palagi

Đọc thêm

Aww. 😔😔😔 ano daw nangyari bakit sya nawalan ng buhay? Mas mahirap mawalan ng anak kung malaki na nung dinadala mo sya sa loob. Kesa makunan ka ng 3months lang. . Hindi pa yan para sayo kaya magtiwala ka lang.,marami pang panahon bibigyan kapa din ni lord. 🙏👆😇 wag ka masyado ma sad kasi madi depress ka nyan.

Đọc thêm

Condolence po. Wala nang mas sasakit ang mawalan ng anak. May God give you comfort sa mga oras na ito. Everything happens for a reason. Romans 8:28. Pakatatag kalang sis. Nasa pilinh na siya ni Lord at alam kong may mas magandng plano siya sa buhay mo. Godbless 🙏

Thành viên VIP

I feel you mommy GOD has a better plan for us antay lang tayo sa panibagong blessing😊🙏 kapit lang... Tiwala lang... Ako din nakunan sept. 23 at plagi kong pinagdadasal sana bigya ako ulit ako ng chance maging nanay.

Thành viên VIP

omg I'm so sorry to hear that. my condolences po sis. sending you virtual hugs and kisses. ♡♡♡ stay strong sis for yourself and also for your angel. he or she is watching over you for sure. God Bless you po sis.

Condolence mommy. Napakasakit mawalan ng anak kahit saglit palang syang nalalagi sayong tiyan. Napakasakit na. Pano pa kaya yung napanganak muna sya doble doble sakit nun para sa ina. 💔💔💔 Pakatatag ka mommy.