Dahil tumataas ang lebel ng progesterone sa pagbubuntis, madalas kinakabag si mommy. Bumabagal ang panunaw at ang pagdaloy ng pagkain mula sa bibig papunta sa tiyan, na nakaaapekto naman sa pagdumi. Kailangan lang uminom ng maraming tubig at kumain ng pagkaing mayaman sa fiber, at mag-ehersisyo para makatulong sa panunaw,May mga stool softeners din na maaaring irekumenda ng OB GYN na ligtas para sa mga nagbubuntis.