17 Các câu trả lời
Same po tayo, walang gana kumain. Pero pinipilit ko pong kumain para may laman ang tiyan ko pero, naisusuka ko rin po lahat ng kinain ko. Pero 10 weeks na po ako ngayon, medyo may gana na pong kumain, naduduwal nalang minsan tapos kapag nasuka po ako laway nalang po nailalabas ko.
5 weeks to 10 weeks wala talaga ako gana noon mi kahit kanin ayaw ko saka tubig kaya nagchange kami ng bigas and water dun lang ako nakakain paonti onti. ice cream lang gusto ko kinakain that time 😅 pero pinipilit ko parin kumain kasi need uminom ng vitamins and para kay baby
ako sis 8 weeks pero kahit gutom ako once na kumain ako nasusuka talaga ako. pang 3rd baby ko na to pero ngayon lang ako naging maselan ng sobra. Pag naiisip ko yung pagkain gusto ko kainin pero pag nasa harap ko na nasusukat at wala nako gana. pinipilit ko nalang talaga. 😭🥹
ako naman mii 12 weeks 4 days, magana kumain, kahit ano pwera sa matatapang amoy kinakain ko. di rin ako madalas magsuka. di maselan. kaso mabilis ako hingalin, mabilis mapagod saka manakit balakang. pero last check ko naman ay okay si baby and maganda kapit 💖
Ako po mommy since 5weeks-12weeks nawalan na ng gana sa pagkain. walang lasa lahat ng kainin ko. at suka lang din kahit konti lang makain ko. pero pagpasok ko ng 13weeks onti-onti ng bumabalik panlasa ko, kaya bumabawi na ako ng kain.
just went through that.. we're on our 15th week ni baby.. ngayon palang ako nakakabawi sa pagkain pati mga activities... Laban lang mommy! lilipas din yan.. 😊
Ako po 6 weeks ng preggy, pinipilit ko pong Kumain kahit kunti para may laman Yung tummy ko. nakakaramdam din ako Ng morning sickness .
Normal po yan sa 1st trimester, ako nga hanggang 4month suka ng suka.. Around 6months na talaga ako nakabawi sa kain
1st trimester wal ako gana kumain pero wala ako cravings 2nd trimester bumawi ako ng kain hanggang ngayon 3rd trimester
Ako 14 weeks di pa magana kumain, nagsusuka pa rin pero di na katulad ng dati na sobra kung magsuka.
Anonymous