47 Các câu trả lời
Hi mommy, first time din ako. Simula nung nanganak ako kami lang ng asawa ko. Tapos foreigner pa. Wala din masyado alam kasi first time parent din sya. Sobrang mahirap talaga. Iniinda mo tahi mo tapos pati mag cr umiiyak ako. Sakit ng tahi. Kahit pag higa at pagbangon masakit. Pero kinakaya. Buti nalang, yung asawa ko, pag gabi gising sya, binabantayan nya kami. Baka maipit ko si baby at baka sa sobrang himbing ko di ako magising pag nagugutom si baby. Isang beses nag cr ako humagulhol talaga ako. Kaya sabi nya lumabas daw kami para di ako mabaliw sa loob ng bahay. Kahit saglit lang ikot2x sa mall. Tapos pag madaling araw pagkatapos ko magpadede kay baby, timplahan nya ako gatas. Kailangan mo lang support ng asawa mo or kamag anak. Sa awa ng Diyos na survive ko yung newborn time ni baby. Ngayon isang taon na si baby, di ko na iniinda ang pagod kasi napapawi lahat. Kahit puyat ako, at nauna syang gumising, hinahalikan nya ako at daddy nya para magising kami. Nawawala ang antok namin. 😊💕 It will get better mommy. Hindi mo mamamalayan, malaki na baby mo.
nakakapagod ksi every 2 hours ggcng sya magmimilk tps mgsleep uli tps ggcing paulit ulit lng... pero instead na isipin mo un u should be happy and be thankful na nagkababy ka... ndi lht nabbgyan ng chance magkaron ng sariling anak.. and ienjoy mlng ksi mbilis lng panahon ndi mo mapapansin mlaki na baby mo... aq ganyn din nppagod din aq dti sa youngest ko cgro dhl na din sa postpartum, pero pag nakikita ko un baby ko ksi malaki na un 2 teenagers ko.. lgi aq nagthathank u ky God na bngyan nya uli aq ng laruan hehehe! at un ang youngest ko, ang sarap ng feeling na gusto nya lgi sau na pag aalis ka hnahabol ka tps maririnig mo hinahnap ka...sobrang worth it! kht nmn din un 2 teenagers ko gnn din ksi sila un tumutulong skn alagaan baby bro nila. bsta ienjoy mlng every moment kht mahirap ksi mamimiss mo din mag alaga ng baby pg mlaki na sya... and worth it lht...
Mamsh, I remember the day na bagong panganak ako. Ganyan na ganyan ang nararamdaman ko to the point na gusto ko na ipa ampon anak ko sa sobrang stress ko nag post din ako dito and luckily may mga mommies dito na nag lift-up sakin. 😊 Napaka halaga na may support system tayo try to find a friend mommy na pwede mong makausap through good times and bad times yung trustworthy, pwedeng kamag-anak, kaibigan, asawa or kapatid kasi to be honest di mo kakayanin yan mag-isa dahil nakakabaliw kapag wala kang ibang nakakausap para mag encourage sayo na kaya mo yan. I will pray for you mommy, whatever you are going through right now palaging andyan si Lord sa tabi natin inaantay nya lang tawagin natin sya. Hugs mommy! Si baby mo ang mag bibigay ng lakas sayo, promise! 🤗😘
Naalala ko rin noong newborn ang baby ko. Para akong bangang lagi,sis, lalo na nung 1-7 days ni baby nahirapan ako. Minsan naalimpungantan ako akalo ko pumikit lang ako yun pala tangahali na at kailangan kong paarawan si baby. Yung parang ang gaan na ng ulo ko kasi sa sobrang kulang ang sleep ko. Hanggang sa naka adjust ako. Sabi nila sabayan daw magsleep si baby. Hindi ko kayang sabayan ang sleep ni baby lalo sa umaga kasi ang dami ko kailangang gawin kaya sa gabi maaga ako mag ssleep mga 7pm tulog na ako. Pwede po kayo mag ask ng help sa kasama niyo sa bahay or husband niyo po para siya muna ang mag alaga kay baby para magkaroon kayo kahit paano ng pahinga. Hayaan niyo po makakapag adjust naman po kayo pag one month old na si baby.
i realized now kung bakit mahirap mag alaga nang baby kasi it will give us more strength when trials will come, ang experience natin ang maging dagdag lakas as parents para maging matatag tayo sa mga anak natin, i remember sa mga 1st days, weeks and months, lagi ako umiiyak, at lagi ako nag pray, it drives me crazy when the baby is crying, plus pumping milk is hard every 2 hours pump,minsan mahina pa supply 😥😣, yung tipong gusto mo sanang matulog pero nakabantay ka lang, tapos dun pa gising sa kalagitnaan nang gabi, but everything is just a ladder na kailangan nating hakbangan, until makaadjust kana and everyday u will get to use in taking care of your precious gem😍
eto din inaalala ng nanay ko kaya pinauuwi niya ko samen.. 2 lang kasi kami ni hubby sa bahay at malayo sa nanay ko.. ung MIL ko naman nasa Switzerland. pero we have to be strong na lang.. ung iba nga mag isa talaga nag alaga sa baby nila at nakaya nila, tiwala na lang sa sarili at kay hubby.. pwede naman videocall sa nanay ko at MIL if ever nafifeel ko daw na gusto ko na mag give up. di naman tayo bibigyan ni God ng baby kung di talaga natin kaya.. we have to show God din na deserve natin ung baby na bigay niya. stay positive lang momy. pwede ka rin humugot ng strength sa fellow mommies here. very supportive naman tayo dito.
Advice ko lang hayaan mo muna mga gawaing bahay or let your husband do the chores, mommy. Huwag po kayo pagutom. Kapag tulog si baby matulog ka rin (easy for me to say) and ask for help kung pagod na pagod kana, ‘wag mo solohin. May support person ka ba diyan sainyo? Ewan ko. Hindi ko alam kung paano ako nag cope basta ang alam ko pag gising si baby focus ako sa pagpapadede at mas mabuti itabi si baby para easy reach mo siya. Atsaka instead na mainis ako kay baby nag seselpon nalang ako at iniisip ko dede time niya na and I let my mind wander para hindi ma focus sa pagod at inis. Happy thoughts pero idk e.
Enjoy every single minute mommy 😊 every time makakaramdam ka ng pagod, just look at your cute baby and you will realize how blessed you are 😊 think always the positive way 😊 kapag pagod kami ng asawa ko from work, nanghihingi kami ng kiss at hugs sa mga babies namin, and its the best feeling ever! Nakakawala tlga ng pagod as in 😊🥰 kapag kasi negative ang inisip mo, that may lead you to depression and stress lang. Ngayon magtatatlo na yung baby girls ko, madami ng kikiss at huhug sakin satwing makakaramdam ako ng pagod 🥰
lahat kakayanin para kay baby. 🙂 ask help and support from your partner and family. important na may support tayo physically and emotionally. if wala ang partner mo,seek support from family members or close friends. kahit moral support lang,malaki ang magagawa at maitutulong nito laban sa post partum. take time to breathe. close your eyes. then deep inhale and exhale. focus ka lang sa breathing mo. tanggalin sa isip ang lahat ng stress. isipin mo na kakayanin mo ang lahat ng ito. kaya mo ito. 🙂
Ganyan din po ako nun. Sobra sakit pa ng katawan ko dahil sa CS Operation. Sobra ingay pa sa inupahan namin kaya mayat maya iyak ng baby ko. Hindi ko mapatahan, kay mama lang natahan. Struggle pako sa pag breastfeed dahil sugat sugat na nipple ko. Stress pako sa mga kasama sa bahay na panay sumbat😁 Gusto ko umiyak at maglayas. nakaraos nmn. after 1 month ay hindi na sensitive baby ko at mahaba tulog straight pa dahil labas dede lang pag nagigising at di na nagtitimpla hehe until now
Mich Anne Amoranto Espinili