29 Các câu trả lời

Nakunan din naman ako 2 times pa. Pero di ko ginawa yung ganyan. Wag natin idamay ang ibang tao sa sakit na nararanasan natin, magdasal nalang palagi para gumaan ang loob at matutong tanggapin ang nawala na.

Nasa state of grieving pa sya. Di nya matanggap na buntis ka habang sya naman eh nakunan. Hayaan mo nalang muna sya mamsh. Focus ka nlang sa health mo at ni baby. Bawal ang stress.

Unawain mo nlng sis marahil nainggit sya o may pinagdadaanan gawa nga nakunan sya.. batiin ka man nya pero deep inside nasasaktan sya se nga po may nawala sknya.. ipagpray mo nlng

d mo sya kelangan intindihin sis. mei laman tyan mo at un ang tutukan mo at dmo sya need isipin... enjoy ur pregnancy. at wag mo istressin sarili mo dhil sa kaibigan mong yun.

Baka nasa depression pa yun.. siguro naiinggit sya sa mga post mo or kwento mo habang sya ay luluksa pa.. sana maintindihan mo siya mommy. Anyways, congrats po ♥️

Baka na iingit sya kaya ganun... Let here be nalang muna... Bitter pa sya sa ngyari sa knya... Kung ako may friend na katulad mo i'll be happy ng bonggang bongga...

grieving pa din siguro sya and di nya pa kayang makakita ng pregnant kasi naaalala nya yung baby nya so I think, intindihin mo na lang sya muna...

Nakakalungkot nga yan momsh kasi ineexpect mo she'll be happy for you. Pero try mo na lang din intindihin yung nangyari sa kanya at yung reaction nya ngayon

Try to understand na lang mommy. Nagluluksa pa sya. And you have what she just lost. Hindi pa sya nakakamove on. Magiging okay din kayo dont worry.

Intindihin mo na lang. Ayaw niya cguro na mainggit sayo o may masabi siya na di maganda. Okay na yan kesa naman magkasira pa kayo ng tuluyan.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan