9 Các câu trả lời
1 of the issues na need i tackle ko din as a 1st time mom. Dumating sa point di ko na alam ssundin, mga matatanda o sinabi ng ob/pedia. So I made sure I made my research, and I ask them para san po ba yan? Kasi madalas, ganyan sila - hindi nila alam para san ba ung pamahiin o kasabihan ng matatanda, basta daw. Though I'm a 1st time mom, I armed myself with knowledge, para pag may sinabi sila, I know how to defend myself and why eto ang gusto ko for baby. Tayo pa din Nanay, we should know our babies best. May iilang times lang pinalagpas ko out of courtesy, like bawal maligo Tuesday ba un and Thursday? 1 time nakipagtalo din ako, umulan nung days prior, umaraw sa bawal na araw daw ng matatanda maligo - jusko uncomfortable na ung baby ko, unahin ko pa ba sila? 😁😆😅goodluck to all moms out there!
swerte ko mi kasi nakabukod kami ng asawa ko HAHAHA . tsaka lng pag un nga nadalaw kami . tumatango tango nalang ako knowing na pamahiin lang mga ito at baseless po ung di raw pwede maligo kahit init na init kana .. i have toxic goiter so mas mabilis ako mainitan . ang pangit eh ung masyadong maiinitan katawan mo at hindi okay un para sa baby na tumaas temp mo kaya kahit nasasabihan ako. dedma lang kasi naiisip ko ung kalagayan ko at mas kailangan ko. ang pangit eh kung magbababad ka namn sa cr eh kulob un kaya saglitang ligo lng like max 10mins ka maliligo para di tumaas temp mo sa init sa loob ng cr. share lang dn mi. makinig po kayo sa payo ng doctor . iba na po panahon ngayon . what worked for them won't always work for us .
isa pang hindi ko sinang ayunan . ung pagtatalukbong raw parati pag lalabas . kasi mahihirapan ka daw manganak . mauuna raw kasi placenta mo . pero ang totoo . di mo naman macocontrol pwesto ng placenta mo .. kung placenta previa ka . placenta previa ka talaga .. walang factor ung kaibahan ng gabi sa umaga . sa hamog siguro kasi may tendency nalalamigan tyan naten . pero ung magko cause ng placenta previa dahil sa di mo pagsuot ng sumbrero sa gabi eh i think walang basehan . tinatakot ka sa bagay na dimo naman control kungdi kontrolado ng katawan mo ay.. 🤦 we need to be educated more regarding all these . mahirap magbase sa past ..
Ang alam ko lang talaga na bawal sa kapapanganak is yung pagconsume ng may mga Luya dahil kung breastfeeding mom ka,nakakatuyot daw po yung ng gatas. Not sure kung totoo kasi yun ang advice saken nung nag Preterm labor ako,nanganak ako ng 5 months lang si baby, kaya nung nawala sya(walang nagdede saken) kaso sobrang lakas ng gatas ko to the point na nilalagnat ako if hindi siya pinupump manually. So ang advice saken that time mag consume ng mga sabaw sabaw ma may luya para matuyo gatas ko and eventually natuyo naman siya after ilang weeks.
heheh wala naman po talagang bawal sa buntis at bf moms basta in moderate lang at wag susubra pati haircut po is hindi bawal kasi minsan yung buhok ang nagpapastress satin dahil sa init ng panahon or hindi tayo kumportable ganun talaga mga paniniwala ng matatanda pero na sasainyo po yan kung susundin nyo sila or yung OB nyo po☺️
ganon talaga mi, relate din kaya ginawa ko oo na lang haha stka nag search rin ako ng kung ano pwede kainin yung di mahirap mag poop lalo na pag bago panganak. Kapag sa breastfeed naman pwede mo naman kainin lahat kaso may iba talaga na nakakasama lalo na't kapag nasobrahan sa kain.
same tayo mi, ako buntis palang now 37w pero sinabihan pa ko na wag daw makinig sa lahat ng sinasabi ng doctor. kaya daw maraming namamatay na nanay ngayon dahil di sumusunod sa nakasanayan nung mga panahon nila nakakaloka. di ko nalang pinapansin.
Natawa naman ako na dadaan yung lamig sa dulo ng buhok. Ano yun, magic hahaha. Kaya di ako nakikinig sa mga matatanda. Yung mga pinaniniwalaan, walang explanation sa science e 😂
Mostly ganun talaga,mi...relate aq dyan..😊