Mi kinda relate ako dito hahahaha. Hindi naman sa harap harapan sinasabi ni MIL na ayaw nya sakin, pero alam mo yooon hahaha ramdam kasi. Si hubby kasi breadwinner sakanila. Kada sweldo may allowance sya. Bukod sa allowance napakarami pang hinihingi na ultimo load nalang sa asawa ko pa hinihingi. Noon wala naman sakin kasi kaya naman. Pero ibang usapan nung nag buntis ako. Aba mahal kaya ng gastusin ngayon. Tipong magagalit pa sya sa asawa ko pag di nabigay gusto nya hahaha pero sa allowance as in wala kaming palya. Kahit na anong pakiusap namin na nag iipon kami wag muna manghingi ng kung ano ano, ganon pa din. tapos makikita mo sa isang apo nya ginagastusan nya naman. nakakabastos din minsan hahahaha. Pero natutunan kong dedmahin. Lampake sakanya mi hahahaha. Di ko iririsk buhay ng anak ko kakastress sakanya. Mabait family ko samin and lahat ng tulong talaga mapa financial man yan o emotional o physical, lahat support sila samin. Okay na ko don. Basta okay kami ng asawa ko, okay na ko 😅
Đọc thêm