Biyenan

Minsan di ko maintindihan, bakit ayaw sakin ng biyenan ko.. Wala naman akong ginagawang masama, inaalagaan ko naman anak nya at mga apo nya.. Di naman ako umaasa sa asawa ko lang, natural obligasyon ng asawa ko na buhayin kami. Ang gusto nya dumiskarte din ako, ung binibigay ng asawa ko nakakaipon naman ako galing doon. Doon ko na kinukuha mga needs namin, pangcheck up ko. Pag may lagnat ang panganay ko, pampacheck up doon din. Hindi kasi kami kasal. Hindi ako kinakausap ng biyenan pag nag vivideo call kundi asawa ko lang at anak, ganun pa man ayos lang sa akin dedma lang ako. Pero minsan kasi nakakastressed na, ang dami sinasabi sakin. Nakikisama naman ako maayos, akonna nga kumikilos lahat pag nagsamasama mga anak nya at mga apo. Nasa italy kasi sya at ung kapatid na panganay ng asawa ko, ung pamangkin ko di ko din maintindihan wala daa ako ginagawa kumakain lang daw samantala ako lahat, mamalengke, magluto ako pa mag huhugas kahit buntis ako kahit maselan ako.. Mag chachat pa biyenan ko sana di nalang daw ako sumama dun sa condo.. Pero mali eh, ako lahat kumikilos, alam ng diyos yan.. Sobrang sakit. Ano ba gagawin ko, kaya ayaw ko talaga magpakasal eh ?

4 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Si byenan mo nasa italy or asawa mo? Mahirap talaga at nakakastress kung di mo kasundo mga inlaws mo. Matagal naba kayo ng partner mo? Sorry to say this, baka matapobre si byenan mo. O kaya tulad ng sabi mo, nasisira ka sa maling sumbong sayo. Sempre ibang tao kapa din, mas papaniwalaan niya yung kamaganak niya. Sana pinagtatanggol at tinatry ayusin ni partner mo yung issue niyo ng byenan mo.

Đọc thêm
5y trước

Sobrang hirap 😭

I'm so sorry na pinagdadaanan MO to dear. U deserve better. Ano naman say ni hubby MO dito?. DAPAT pagtanggol ka manlang nya. Pray for her na magkaron kayo NG magandang relationship.

5y trước

Nung nag ka celebration, nag inuman sila magkakapatid doon ako nagulat kasi pinagtanggol ako ng asawa ko lahat ng mga di totoong sinasabi nila sa mama nya nailabas nya.. Syempre nangangamba ako baka mamaya masamain ulit un.. Ewan ko ba minsan nga parang ayaw ko na makisama sa kanila..

Bumukod na kayo ng tuluyan. Gagawin ka lang katulong ng mga yan. Bawal na martir mamsh. If ayaw pumayag ng asawa mo then umalis ka na.

5y trước

Grabe ang init ng mata sayo ng family ng bf mo. Bago lang po ba kayo? And long term gf niya ba yung ex niya? Hayaan mo nalang mommy. Wala naman silang choice kasi yung asawa mo naman ang pakikisamahan mo forever if magpapakasal kayo at hindi sila. Basta wag ka papaapi but keep it classy para ikaw ang tama sa mata ng bf mo.

Hindi masamang humindi lalo na buntis ka.