2 Các câu trả lời

Ganyan din ako nung malapit na due date ko 😅 sobrang stress nako kasi ang dami nang masakit sa katawan ko, tas ang taba taba ko na, hirap na kong kumilos at ampanget panget ko na 😂halos umiyak nako sa asawa ko habang sinasabi ko mga hinaing ko kasi todo tagtag ako sa sarili ko para lang makaraos na pero nganga pa rin. Naiinggit din ako sa mga kasabayan kong momsh dito dati. But thanks to God, hindi nya kami pinabayaan ni baby. Inadvise ng OB ko na mag insert ako ng 2 capsules ng eve primrose 3x a day then kung kaya daw, mag sex kami ni hubby. Sinunod ko naman. Ayun, nakaraos ako on my exact due date.. Hehe.. Lavan lang momsh, malalagpasan mo rin yan 😊

Super Mum

Mommy wag ka po mastress. Gnyan po tlaga minsan may mga early po nanganganak. Tiis lng momsh mkakaraos ka din. Have a safe delivery po ❤

Câu hỏi phổ biến