Nanay nya pa din yun. Wala kang mggawa. Ska di pa naman kayo kasal. Kelangan mo magtiis sis saka technically mother in law mo na sya since para na din naman kayong mag-asawa. Kelangan at pilitin mong pkisamahan ang byenan mo. Kahit para nlng sa asawa mo. Then siguro sooner or later, kung kaya nyo naman ng partner mo, bumukod nalng kayo. Para sakin kasi, ang mag-asawa, dapat naman talaga bumubukod at gumagawa ng sarili nilang pamilya on their own.
Please don't stress your self out. Ako nagkaka problem din sa nanay ng LIP ko pero I chose to ignore her. Yung LIP ko naman ako din naman pinapanigan pero he still respects his mom. Intindihin mo na lng kasi mahirap mapagitna-an. Wag lang na panigan nya mama nya ng harapan kasi una sa lahat yung loyalty nya dapat nasayo na dahil bumuo na kayo ng sariling pamilya.
wag kalabanin ang byanan, number 1 rule yan. oo mahirap talaga makisama sa in laws pero kasama yan sa package ng asawa o lip mo. wag mo na lang masyado pagkakausapin o pansinin byanan mo. pakitaan mo pa rin ng respeto at paggalang. pasasaan naman, kahit di kayo maging close, magiging civil din kau.
Nanay pa rin kasi yan huwag na lang patulan. Hindi naman kayo kasal ni LIP, kung hindi ka kayang panigan ni LIP, may choice ka namang panindigan magisa ang baby niyo unless kailangan mong umasa sa kanya kailangan mong magtiis.
Wag masyado pakastress sis..hayaan mo na lang yung MIL mo may mga ganyan talaga..for sure,pag nalabas baby mo magiging okay ang lahat..
Jaze