40 Các câu trả lời

Ganyan rin po saken non nung 11weeks narinig ko na, pero nung nag13weeks hindi. Kinabahan ako kase ilan na sila nagtry para marinig o mahanap yung heartbeat kaso wal talaga, kinabahan ako sobra kase nagkatigdas ako non kaya akalaa ko patay na baby. kaya nirequest ako ng ultrasound ayun okay naman pala. nagtago lang ang bata😅

VIP Member

Depende po siguro sa position ni baby kaya hirap si OB ma detect yung heartbeat niya. Sakin din ganyan 12 weeks di pa masyado madetect pero ngayong 16 weeks na ko dun na siya na detect. 😊 Try niyo din po mag request ng ultrasound kung gusto niyo po talaga ma sure na okay si baby. And pray lang mamsh ❤️

Ako po kanina nag pa check up ako sa midwife . 14weeks ako via lmp ko po . Tapos d po ma detect ang heartbeat ni baby sa loob . Pero last month naka pag ultrasound po ako normohydramnios nmn po normal lahat . 12weeks ako via ultrasound . Bakit po kaya hindi ma detect ang heartbeat sa doppler ng midwife ?

Sa ultrasound po ito naririnig if ob's doppler lang po pdeng hnd makita kasi minsan po depende sa ppsisyon tulad ko po anterior placenta ako mejo mahina sipa ni baby pero active sya im not sure pero baka isa rin un sa mga reasons mga position po ni baby and ng placenta rin po sigro.

yung OB ko kasi..... may ultrasound sa clinic nya.... kaya never kami gumamit ng doppler.... machine ng ultrasound gamit nya palagi. may makita lang xa pumipintig.... ayos na hahahahahaha!!! kaya paultrsound ka nalang mommy. para sure.

sometimes d naririnig ang heartbeat because nka talikod si baby from the doppler if nstimulate na ni ob si baby (like ringing of the bell or changing your position) at d pa din dinig then that should cause you alarm.

Ako kahapon di marinig sa doppler yung heartbeat ni baby. Kaya inultrasound ako transv. Ayun normal po ang heartbeat napaka kulit lang ni baby. Panay ikot at tuwad. 11 weeks preggy here. 😍

Mommy pray lang po tayo.. sana marinig na ni OB ang heartbeat ng baby mo, hwag naman sana matulad sa'kin na blighted ovum. Pinaraspa po ako kasi hindi talaga makita heartbeat nya.Dasal po Mommy

Ako po hindi po madetect agad sa doppler yung heartbeat ni baby. Pero nung nagpa-trans V ako may heartbeat naman daw 🤗. Masyado pa kasi maliit si baby kaya po di agad madetect sa doppler.

May mga cases na ganun mommy, ako 11 weeks ata nun di pa rinig, nagwoworry na ako. Sabi ng OB mapuson daw kasi ako. After two weeks bumalik ako ayun rinig na. Pray lang mommy

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan