44 Các câu trả lời

Samin minsan merong sa bubong namin misan sa kabilang bahay ayun tuloy nagising ako at malapit kasi sa bintana higaan ko at si partner naman sa sahig sya natutulog. Pero isang beses lang naman yun. Dapat nakabukas yung ilaw nyo kasi samin hindi ko pinapatay yung ilaw kasi minsan natakot din ako kasi si partner ang himbing ang tulog.

Sabi po nila di po maganda pag wala kang katabi matulog pag buntis ka kasi jan sla pagpapasikat jan sila punpunta sayo lalo napo pag walang panguntra na experience ko po kasi yan past week

VIP Member

much better sis kung pasabuyan mo ng asin at bawang ang bubong nyo kay mister para ikapanatag ng loob nyo at siguraduhin na nakalock ang mga pinto at bintana.. mag durog ka ng bawang samahan mo ng asin lagay mo sa spray bottle lagyan mo ng water ganyan ginawa ko nung buntis ako.. god is always with you pray lang palagi.

Ganyan di po yung mommy ko nung buntis siya sa bunso namin, kada gabi may naglalakad. Isang gabi na may naglalakad ulit sumigaw daddy ko ng "hoy" sabay nag ingay gamit ang baseball bat kinalampag kalampag niya sa kisame simula nun wala na ulit naglakad sa bubong 😁

TapFluencer

lagyan mo po ng asin saka bawang na dinurong po bago nag 6pm tapos lagyan mo ng kutsilyo sa ilalim ng hinagaan mo mommy tapos sa gabi mag damit ka ng itim para hndi nila makita yong tyan mo ganyan sabi ng lola ko sa akin ganyan din sa akin nong 1-3 months ako

Lagay po kayo bawang sa bawat bintana saka kahit anong matulis na bagay.. mag black na damit dn po kayo tas always pray lang.. pag naramdaman nyo ult ung kung anumang uri ng nilalang yun lakasan nyo po sigaw In JESUS NAME umalis ka dto.. pray lang po lagi

Wala naman masama kung maniniwala. Sa akin momsh ginawan ako ng pangontra. Pinaghalo yung kunting part ng blessed palaspas na ginawang abo at holy water. Ipahid mo sa tiyan mo everynight (sign of the cross yung stroke ng pagpahid). Effective naman sa akin.

Di ko lang po alam kung pwedeng humingi sa Church. Pero yung sa akin kasi galing sa last year na holy week. Try mo momsh hanap, effective siya. Tumigil yung mga naririnig namin every night.

Oo ako naka experience na ako ng ganyan na kakatakot nga eh alam mo yun ka sarapan mo ng tulog biglang may ka kalabog sa bubungan nyo.. pero ginagawa ko nag lalagay ako asin sa bulsa ng damit ko at bawang sa paligid ng higaan ko sabi ng nanay ko...

VIP Member

Share ko lang tong prayer of deliverance mumsh, dagdagan mo rin ng The Lord's Prayer and St. Michael the Archangel Prayer. Yan ang dinadasal ko lalo na kung may pupuntahan akong bagong lugar.

Same here...my gnyan din sa bubong nmin kaya naglagay yung Tatay q ng "anus" kung tawagin nila ung mahabang matulis na kawayan sa my bintana aftrr lagyan ayun nde n sya naririnig ng nanay q

Lagay ka po bawang sa bintana, parang display mo sa bintana un, pagnabulok saka mo Lang palitan. Tapos kung may patungan ka Sa kwarto, maglagay ka din bawang kasama asin.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan