tulog ni baby.
naiiyak ako. di ko alam anong gagawin. hirap patulugin nang anak ko. since 3pm pinatulog ko xa nang 8pm pra sure akong pagod na pagod xa pero gumising nang 11pm at hanggang ngayon na mag 3:30 am na gising prin xa. pinalitan ko na vitamins nya from tikitiki, ferlin, cherifer ganon prin. pag nakakatulog xa nang 4am gising nya is around 11am na. pero di prin yun sapat. 😭😭😭 may maaadvice ba kayo mga mommies.
Ang ginawa namin since birth ng baby namin sinanay po namin siya na madilim ang kwarto pag gabi, simula pag palubog na po ang araw. Off po ang lights and nakacover na din ang curtains. Tapos pag sunrise naman, ibubukas namin ang curtain para po maliwanag na sa room. (pero di naman namin siya pinilit matulog o ginigising). Nakatulong po ito na marecognize niya ang pagkakaiba ng day and night. Importante po ang afternoon nap, kasi pag napagod masyado ang baby nagiging grumpy po sila and affected ang sleep pag gabi. Pwede rin po ninyo itry na magkaroon siya ng bedtime routine. Halimbawa po 9pm gusto niyo na tulog na siya, before 9pm start po kayo na magligpit ng toys or gadgets (kahit po phone ninyo, dapat malayo sa baby kasi yung blue light ang may effect sa sleep), pillows and blankets na lang po ang nasa bed, pwede din po magbasa ng books kahit po hindi niya pa naiintindihan (maganda po yung may mga pictures), tapos dim lights na while doing baby massage po gamit ng lavender oil (tiny buds po or other brand) habang kinakantahan siya ng nursery rhymes or magpatugtog ng lullabies or music na sa tingin niyo po effective na pampatulog sa kanya. Sana po makatulong sainyo.
Đọc thêmganyan ata talaga sila mommy ewan ko ba hahahah baby ko matutulog 1am tapos gising niya 12pm na. juski tanghali na kami nakakabangon
natakot ako akala ko xa lng ganyan.
natutulog po ba sya ng morning?
patayin nyo po ilaw sa gabi para alam nya na oras napo para matulog,