169 Các câu trả lời
I am using a crib/playpen, I also have a baby nest. Nung 1st month ni baby, co-sleep kami. Better for me ang co-sleep pag nag papabreastfeed. Ang problem, ung daddy nya ang likot matulog so we put him in a baby nest. Okay naman sya kaso takaw space naman sa bed namin. When he reahed his first month few days after parang nagbago un sleeping pattern nya tapos parang ang cranky and fussy nya, konting move lang, konting noise nagugulat aya tapos anlakas ng iyak. So, we decided to buy a crib yung playpen style. Mas mura kesa sa wooden crib tapos ewan sabi mas safe kasi nga di kahoy, di matigas wala mga pako pako. Okay naman ang sleep nya kasi at least di sya nagagalaw, pag katabi kasi namin pag kumilos kami nagugulat sya agad. Yun nga lang, if feeding time na and nappy change, tatayo ka talaga from the bed. Also, nun nagkasakit si baby one time, very clingy sya and ako din naawa ako na sa crib sya so tinatabi ko na lang sya sa akin. Anyway, pede mo din consider un mga experience ko na pedeng naexperience o ma experience mo din, para makadecide ka ano mas okay sayo. PS. We also considered getting a co-sleeper bassinet kaso maiksi lang sya, ilang buwan lang nya magagamit sayang lang.
1st time mom here as well. Due date ko next month na. Sabi ng mother ko mas maganda at safe pa rin daw ang crib at mas matagal magagamit. Dito kasi samin sa davao kami mga bisaya madami kami pamahiin. Mas the best pa rin daw pag katabi mo ang baby mo. E crib lang daw kapag umaga pero sa gabi kelangan itabi mo tlga sa pagtulog
Depends on what works for you. Kami kasi naha-hasslean sa crib kasi kapag iiyak babangon bangon ka din tapos dadalhin ko sa bed to breastfeed kaya nag-crib nest ako para sarili niya pa din yung higaan. Although ang drawback diyan hindi siya matagal na magagamit unlike the crib that you can use as a playpen later on.
Gustung gusto ko din ng crib before pero my byenan insisted na wag na lang at mabilis kalakihan ng bata.. And isa pa nagpapabreastfeed ako kaya mas convenient padin na katabi ko c baby. I was given a baby nest as a gift so ending hindi na ako bumili ng crib.Baby nest na lang din nagamit ni baby ko.
Try mo muna mag baby nest. Yung baby ko kasi binilhan nmin ng crib naka 2 crib pa kami hndi din nagamit. Ayaw nya mag paiyan sa crib. Pero depende pa din sa baby mo. Pero I suggest nest muna. at least kita mo lagi si baby at mas bantay mo sya :)
Crib yung binili namin..ganito po na nasa picture kasi pwde nya magamit until 6 yrs old po..pwde maging bed..hindi sayang ung pera..kelangan kasi ng crib once na maglikot na c baby,6mos and up i guess..ang baby nest months lang po yan mgagamit
Gaisano nmin yan nabili mommy,6k++ pero meron din po sa Lazada di nagkakalayo ang presyo..
Dyosko itabi nyo nalang baby nyo sa inyo pero sa Gilid sya at katabi mo . mas masarap katabi Anak . Crib magamit Lang Yan hangganh 8months Ang saklap pa pag 3months na si baby di natutulog pagdikakatabi specially breastfeeding
May ibang nanay na ayaw ang cosleep. Lanya kanya po iyan! Di maganda na sinasanay sa tabi ang baby. Nagiging iyakin
Crib.. Magagamit mo ung crib hanggang sa matuto syang lumakad.. Masusulit mo tlga.. Ska pwede kung hlimbwa sa labas kau or sa terrace pra mgpahangin.. Lalo na ung kahoy na crib npkaConvinient gamitin promis!👌
Crib po kasi magagamit nyo hanggang kapag malikot na si baby pwede narin maging playpen nya. Baby nest pang newborn lang sya at di mo rin magagamit masyado kasi mas gusto ni baby nakadikit sayo.
Crib. Or if may plan kayo na magco-sleep kahit yung playpen fence na lang. Sayang money sa baby nest kasi mabilis sila lumaki and after 3mos malikot na sila, di sila mapipirmi sa isang position.
Anonymous