Normal Lang Po Ba Maliit Tiyan?
Nagwworry po ako kasi laging nababati na parang di naman daw po ako buntis but the truth is i am already 21 weeks pregnant.
Normal. Ako nga 16 weeks pregnant pero abs lang meron ako 😂 Magugulat ka jan biglang lalaki yan. Akala mo binombahan ng hangin 😂
Ako maliit tyan ko til mag 6mons biglang laki talaga, 😁 okay Lang Basta ramdam mo galaw ni baby mo and okay sya pag nagchecheck up.
Same tayo mommy, nung nanganak ako yung tummy ko pang 3 months lang daw po, pero niresetahan ako ng 5 vitamins and okay naman si baby.
Wow. Normal lang yan. As long as healthy si baby. Wag mo na lang pansinin yung nangbabati sau. Sabihin mo maliit ka talaga magbuntis
Normal lang Yan, ako nga 3mos d ko Alam na preggy ako. Nalaman ko lng on 4th month , tapos 5th Month dun sya lumobo onwards hehe
Okay lang yan, as long as normal at okay naman si baby sa loob ask ur on, may mga mommies talaga na malaki or maliit magbuntis.
May baby na di lakihin momsh kasi magaling mag fold ng sarili sa loob pero kadalasan din pag 6 mos onward dun talaga lumalaki e
ay naku sis wagmo nga intindihin mga cnasabi nila.pasalamat ka nga at maliit ka lng magbuntis aq nga lakilaki ko hirap kaya.
Anong sabi ng ob mo? Mag kakaiba kasi ang pagbubuntis.. Kung ok naman ang size at bigat ni baby sa buwan nya, ok lang yan
Normal po lalo na kung first pregnancy mo. Ako nga muka lang 4 months preggy kahit na 6 months na talaga.