56 Các câu trả lời

Hindi natin alam kung ano tawag dyan sis, Pero may ibibigay ako solusyon sayo at sana maka tulong, Dont you worry si Derma naman ang nag advice nito. Nag pa check up na din kase ako about sa skin rushes pero yung sa akin "eczema" buti at na agapan ko. Nag tanong ako kung may pede ipahid para mawala sya at matuyo. May nireseta naman sya DIPROGENTA OINTMENT. Medyo kamahalan lang ang nireseta nya. Pero may sinabi pa sya na pde natin gawin na makikita lang sa loob bahay. -kumuha ng malinis na towel at ianlaw sa malinis na maligamgam na tubig na may asin. Pigaan at ilagay sa nangangati na parte ng katawan , ibabad ng 10 to 15 minutes. Gawin ng isang beses sa isang araw bago matulog. Ps: yung Ointment Gamut sya sa kati kati at super effective talaga, At pde din nman sya gamitin ng buntis , safe naman.

Meron din ako ng ganyan mamsh, puppp rash po ang sabi sakin ng ob ko. Usually lumalabas siya sa third trimester, di po lahat ng pregnant nagkakaron ng ganto, may iilan lang po. Nagstart po sakin sa tummy tas kumalat na po sa legs ko and ang lalaki na ng akin, sabi po ni ob wag daw po kakamutin kasi kakalat po siya lalo kaso di naman po mapigilan minsan. Pinag take po ako ng claricort 2x a day for 3 days, after po pinag cetirizine po ako daily. And don't worry kasi kusa daw po siya mawawala pag nanganak na. Message niyo po ob niyo, para po alam niya and mabigyan po kayo ng gamot.

Hi sis, nagkaganyan ako nong 7 months ang tiyan ko to the point na nagka water blister na mga kamay at paa ko.. Mga isang buwan din ang tiniis ko.. Nagpacheck ako sa OB binigyan niya ako ng citirizine and inadvice niya ako pag hindi mawala magpa consult na ako sa derma.. Neresita sa akin ng derma ko ay claricort.. After 1 week nawala na yong mga rashes ko.. Tapos bumalik after ilang days pagka panganak ko.. Pero nawala lang din.. Better magpaconsult ka sa derma sis..

Yan plan ko sis, kaso ang hirap makalabas now kasi lockdown. Nawala yung nasa braso ko tapos ito sumunod nmn yung sa binti ko huhu

Nagkaganyan din ako momsh. Sobrang dry kasi ng balat ko tapos di ako mahilig maglotion saktong summer pa. Nawala din nung nagpapahid ako ng oil at gumamit ako ng guava soap. Tapos nawala and then bumalik na naman lalong mas malala. Walang effect yung antifungal creams. Kaya kahit di na ako makatulog sa gabi dahil sa kati iniiwasan ko talagang kamutin kasi magsusugat. Magmild soap lang po kayo momsh tapos warm water yung gamitin niyo baka makatulong. ☺️

Mami same tayo!!!! May nga buntis daw talaga na ganyan dahil sa progesterone levels while we are pregnant.. nung una akala ko kagat lng nga lamok hanngang dumami na sila.. nagsimula cya around 3rd trimester na... Binigyan lng ako ni doc lng antihistamines .. After ko nananganak parang magic hahah nawala tlaga ang itch heheheh 😊😊😊

Oo sis ganyan ako dko mapigilan na di kamutin kaya minsan nagdudugo na siya. Gumaling na ung sa braso ko pero nangitim :(

Naku sis ganyan din ako ngayon 8 months preggy na ko ang hirap mas grabe nga akin halos nangitim na ang mga bakas ng kinamot ako until now ang kati gabi gabi ko tinitiis, celestamine iniinom ko at baby soap lang ginagamit ko saka lotion na aveeno. Tinitiis ko lang at sabi after manganak mawawala din daw.

Naku sinabi mo pa sis mapapaiyak ka na lang talaga sa kati dahil super hirap tiisin kapag sumumpong lalo na pag oras ng tulog

Nagkaganyan din po ako wag mo po kamutin para magsugat. Pinagamit po ako ng OB ko ng oatmeal soap at pinainom ako cetirizine once a day. Then pinayuhan nya ako magconsult sa derma, clotrimazole cream po ang nireseta ng derma. Naalis naman po agad.

May ganyan dn ako mas malala. Ang advise ng OB ko last ko pangbanlaw sa ktwan ko tubig na may cornstarch. Dti kung ano ano bnili ko pampahid at panligo. Grateful ako sa OB ko tlgang nwla pangangati ko at umokay na skin ko d na ako ngpcheck up sa derma.

Nagkamot din ako dati sa binti sobra kati nag sugat. Nun nanganak ako makati p rin sya.. ras nun ok ok n ko nag punta nko ng derma. Ang sabon e ung oatmeal soap, at colloidal lotion. Wag ko anuhan ng mainit kasi lalo kakati at mag ddry.

ako after ko manganak nag silabasan sya naligo ako ng pinakuluan ng dahon ng bayabas pero matagal din sya nawala nag suob din ako wala din .. kaya tiniis ko na lng matagal nga lng nawala ung sakin kati kaya nyan sobra

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan