32 Các câu trả lời
samin Boy panganay namin tapos ang tagal bago nasundan 6yo na panganay ko nung nagbuntis ako ulit.. pero never kami naghangad ng kung ano gender ni 2nd baby.. ang lagi namin dasal ay sana walang maski anong sakit.. sana healthy si baby na mailabas ko at sana maging bibo kid yun dasal namin.. nagpa gender reveal ako at tiningnan ko reaksyon ni husband nung naputok yung balloon at kulay blue lumabas... umiyak siya sa tuwa at nagtatatalon pa..🥰 ganon sana lahat ng magulang.. oo minsan nangangarap tayo ng ibang gender pero db yan binigay ni LORD may purpose bakit same sila ng gender.. balang araw kasi magiging mag bestfriend sila.. ang hirap at nakaka guilty kaya yun sa pakiramdam natin magulang na naging unwanted pa yung bata dahil lang sa d yun ang gusto natin gender sakanila... pwede ba mamili??? di ba hindi😆 wala naman kasalan ang bata kung ano gender niya. same lang naman sa pag aalaga yan babae o lalaki man . ako eto 2boys ko masyado Fashionisto.. binibigay namin lahat.. sabi kasi ng iba pag lalaki mas madali damitan e ang totoo same lang naman .. basta alagaan natin sila ng maayos at palakihin ng tama.
Baliktad naman sa amin ng hubby ko, nung nalaman namin na pregnant ako sa 2nd baby namin. Ako ung excited na sana girl naman ang baby namin kasi panganay is Boy 😁 Added sa cart ko for girls na gamit hehe. Pero nung ultrasound na kita na ung gender ITS A BOY ULIT. Happy ang husband ko kasi nadagdagan na naman daw magdadala ng apelyido nya 😅 Anyway ang gender natin ay galing sa punlay ng lalaki. Wag sya madisappoint kasi galing yung punlay sa kanya. Husband ko all boys silang magkakapatid. Tas side ko naman puro kami girls 2 lang sa kapatid ko ay boys kaya di nadin ako nagtataka na boy ulit. Ang katwiran namin ng asawa ko kahit anong gender basta healthy malaking blessings na yun dahil high risk ang pregnancy ko at ilang beses ako naadmit habang nagbubuntis.. ❣️
hayyyyy naku miiii, may napanood ako na di daw sa egg cell natn magmumula ang gender ni baby, kundi sa spermcell ng lalake na naimplant sa atin. kaya wag sia dapat ganyan. at anak nia yan. dipende parn yan sa pagpapalaki niong dalawa yung magiging future at ugali ni baby. d porket boy barumbado agad 🤦🏻♀️🤦🏻♀️🤦🏻♀️ grabe naman sia. dapat maging happy sia at pagpray nia na maging healthy si baby sa tyan mo hanggang paglabas.. sarap nqman kutusan niang mister mo.. kami nga gusto namin boy pero girl bngay namin.. nalungkot dn nung una pero nging masaya n ulit tapos isip na ulit kami ng name. ganun lng.. di yung mag iisip pa ng d maganda sa future ng baby n d pa naman nalabas. hayyyy.. God bless po pray lng mi at pakatatag po 🩷🩷🩷❤️❤️❤️
Hug mommy. Grabe si husband, bakit need mag sabi na mag ipon ng pang pyansa at lalaki na naman? Too bad kasi nag pepredict na agad sya ng nega sa anak niyo. Tsk tsk! Kaya todo mo mahalin 2 anak mo at focus sa kanila, mag ipon ka din ng bukod para kung bigla mag lukaret si husband pati ang byenan mo sa mga mali nilang pananaw e may madudukot ka para sa inyo mag iina. At dapat, di sya mag bago sa pakikitungo sayo, kaya nga siguro binigay 2 boy kasi may tinuturo sa kanya ang Lord na maging ano pa, basta healthy kayo at makaraos ka na buhay kayo mag ina. Praying ❤️
hayaan mona mi be strong patunayan mo nalang bilang nanay na kung ano man ang iniisip niya hinding hindi yun magkakatotoo sa mga anak niyo. imbis na suportahan at maging proud pa siya hindi niya alam baka yang dalawang lalaki sa buhay niyo siya pa ang magtatanggol at aangat sa inyo kaya wag ganun ang mindset. kasi pwede pa naman magbago ang lahat be thankfull maraming gustong gusto magasawa na magkaanak Pero hindi binayayaan kayo nakadalawa na. parealize mo lag sa kanya mi na maling mali siya sa ganung iniisip niya at sa anak niyo pa
Sa totoo lang di naman satin galing ang grnder ng baby kasi tayo chromosome na tinatawa X lng meron tayong mga babae sa lalaki Y and X nasa kanila po nang gagaling ang gender ng baby. saka isa pa basta healthy ang baby mo bakit naman kelangan nya mainis. may mga mag asawa nga na d nabbgyan ng anak eh. ako asawa ko pag tinanong ko sagot palagi kahit ano basta malusog 2 na anak namin lahat kulang sa buwan kaya kahit ano daw basta malusog palagi kasi kami nacoconfine sa ospital ksa lahat ng anak namin dahil premature sla.
There is power in declaration. nsa bible po yun. be careful of what you wish for. ung asawa nyo ganun cguro xa pinalaki ng nanay nya. same cla mindset e. Naku mommy wag mo na isipin yan. ipagpray mo nlng heart ng asawa mo na sana mbago ung pananaw nya sa buhay.. mga lalaki din nmn mga anak ko. pero never naming naisip yan. blessings po cla. tska pag palakihin nyo cla ng maayos with full of love and care and my takot sa Panginoon. Malayo nmn po ung mangyari. Godbless po sa inyo mommy.
ako naman po 3 na anak ko isang boy panganay..girl.ung pangalawa pero namatay then buntis ako ngaun boy ulit..mahalaga samin healthy anu pa man ung gender..minsan lan din meron ako what ifs kasi gusto ko din sana mag bili ng dresses ,mag suklay ng mahabang hair at bumili ng girl toys..pero un nga..baby boy ung third.ko..at last baby ko na ito since high risk pregnancy ako ngaun..nag iisa lalake lan ang asawa ko sa pamilya nila mostly girls both sides kaya masaya cla..
sa asawa ko naman. sya lang ung anak magdadala ng apelyido ng family nila. dapat nga masaya sya. siguro Kung buhay pa byinan kon lalaki matutuwa un kasi anak lang nmin ung magdadala ng apelydio nila. mga kapatid kasi nia puro babae, tas may kapatid man sya na lalaki pa babar nman naging anak nila
grabe naman. ako panganay namin girl, pero etong pangalawa ko hindi nagpakita ng gender, nalaman ko nlng na girl ulit nung nanganak nako then sabi ko sa asawa ko "love girl ulit" sabi nya aakin " sabi sayo barbie e, 3 na kayong marites ko" Ineexpect ko madidisappoint sya kasi girl na naman kaso hindi, sabi pa nya less gastos tayo kasi dami naman damit si ate nya, tapos inispoiled pa nya sa karga at hele si bby. pano kamukhang kamukha nya din kasi si bby. hehehe
parang si hubby ko lang.. Sobrang dismayado pang apat na namin pero babae ulit. Hanggang ngayn 2weeks nalang manganganak naq pero umaasa pa rin na sana nagkamali lang ung ultrasound😂 naawa naman ako sa kanya, kahit ganun nakikita q pa rin ung love at excitement nya sa pag welcome kay baby. Sabi pa nya pag babae talaga baka ito pa yung maging pinaka papa's girl😂😂 palagi nya kinakausap si baby and super maalaga sya.. Biyaya❤️😊
Lovely Ds