Amniotic Fluid

Nagpa BPS ultrasound po ako nung monday, and then sabi po ng lab pumunta na ako agad sa midwife ko or OB . Pero ang sched pa ng balik ko dapat is saturday. Ngayon, pagpunta ko sa midwife ko ang sabi nila need ko daw na manganak ksi mababa daw ung amniotic fluid ko. 6cm lng daw, ang choice ko daw is magpa induce na sa OB and OB ung magpapaanak sakin or sa ospital ako manganak pero since taga Cavite ako sobrang aarte ng mga ospital dto. Kaya sa lying in lang ang gusto ko. Tapos sabi saken ng midwife ko, magpa 2nd opinion ako ng ultrasound pero this time OB Sono na. Edi ako naman syempre di ako mapakali kahit ang hirap maghanap ng Ob Sono na hindi by appointment naghanap ako. Then eto na nga kinabukasan nakahanap ako . Pag ultrasound sakin ang bait ng OB kasi nakikipag usap sya while inu ultrasound ako then nagtanong na ako about amniotic fluid. I asked her if okay lang ba ung amniotic fluid ko, sabi nya normal naman daw. Walng problema. Pero 5cm ung sukat . Wala din syang sinabi na bumalik sa midwife or anything para mag alala ako. Kasi normal nga . Edi umuwi na ako at bumalik sa midwife ko . Di ang expected ko is okay na wala ng problema . Btw i am 37 weeks preggy and turning 38. Tas nagulat ako na pinupush uli ng midwife ko na hindi normal ang panubigan ko. So na iE ako ule . 3 to 4cm daw nung 6pm . Then sinalpakan ako ng 2 Primrose para lumambot cervix and supposotory para daw makapoop ako baka daw bumaba si baby pag nag poop ako . Then umuwi ako para mag poop. And hinintay ko sumakit ng sobra ung puson ko or ung laboring na sana. Lakad ako ng lakad and exercise. Pero nawawala talga ung sakit, umuwi muna kame para magpahinga hanggang sa nakatulog ako nawala na naman ung contractions. Bumalik uli ako ng hapon and na IE na naman ako sabi naman is 5cm edi uwe ako ule , tas lkad lakad tas pag bumalik daw ako magdala na ako ng mga gamit. Edi since sabi nga 5cm edi ako lakad na naman . Motor , ebike exercise lahat na ginawa ko para bumaba si baby . Edi bumalik ako ng 9pm para magpa IE ule . Ibang midwife na naman. Pag IE saken 3cm lang daw para sa kanya 😭 Sabi ko ano yon sumara ? Nakailang salpak na saken ng primrose . At dahil sa sabi nila need ko ng manganak kaya ung pera na pinatabi ko nagalaw na namin . Hanggang sa paubos na kaka pa ultrasound at sa mga gamot 😭 Hindi ko na alam gagawin ko .

2 Các câu trả lời

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan