Nagpa bps ako nung thursday.. im 38 weeks and 2 days that time. Then ung femur length ng baby ko is 35 weeks and the rest ng size nya is 40 weeks.. so late siya ng 5 weeks compare sa ibang size.. ang femur length kasi ung size bone ng hita yun.. then inask ako ni dra kung ano height ko sabi ko 4’9 or 4’10 lang ako. Then ilang beses sinukat ung femur length ni baby late talaga ng 5 weeks. Tapos nilagay ng dra na nag ultrasound sa impression ay “bilateral femoral hypoplasia” then nag search ako walang exact meaning na lumalabas. Iba ang lumalabas at na stress lang akong basahin... okay lang po ba kung 5 weeks late ung femur length niya compare sa ibang size niya? Please enlighten me.. kinakabahan ako sa baby ko. Im FTM. ? may kaparehas ko po ba dito..
Anonymous