33 Các câu trả lời

Ang toxic naman ng ganyan mommy. Kami kasi ng hubby ko sobrang open kami pagdating sa mga bagay bagay kaya lahat napaguusapan talaga namin kahit gano pa kaliit or kababaw. Nung sinabi ba niya na puro ka reklamo magwalkout lang ba siya or nagstay siya sa room? Minsan kasi mga lalaki pag nacacaught off guard and di alam isasagot ganon mga sinasabi. If nagstay siya sa room try mong icontinue yung reklamo mo, mas good listeners kasi sila and mas prangka sila in a way. Try mo ulit pag nilayasan ka eh hanap ka nalang ng ibang outlet or kausapin mo siya. Responsibility niya kamong makinig sayo and wala siyang choice kasi ina ka ng anak niya.

VIP Member

Be tough. If he doesn't care, fine. We can do anything without them. Asawa ko kasi mismo nagsabi na I can do anything daw, haha. Kasi kaya ko lahat ng gawain bahay, kaya ko din magwork at the same time while I'm pregnant. Eh sya ang kaya nya lang mag trabaho. 😂 So, don't stress yourselves Momsh. Sometimes kailangan mo din makipagtiisan. Kapag kasi sinagot sagot ako ng mga "nag iinarte, ganto, ganyan" magkaka-World War talaga. Kaya lahat na yata ng empathy, sympathy naibigay na ng asawa ko. And I do the same din pag sya yung may problema. We should establish a strong personality, minsan. Hope you get better, pray lang din. ❤️

VIP Member

I feel you po. Ganyan din ako ngaun. To the point andaming masakit sakin wala man siyang pakialam, muscle cramps, sa may rib na normal lng kaso hindi ka man lang makapag daing sakanya kasi tatalikuran ka lang.😞 Tapos yung mga lab test, gamot, at gamit pa ng bata gusto pag ipunan ko mag isa😞 ano ako lang magisa gumawa neto😣 ansaket lang po mga sis. Kung sino pa yung tao na inaasahan mong makakatuwang mo , ganyan pa gingawa sayo. Kaya gingawa ko nalang to inspirasyon para maging malakas pa lalo nat magiging dalawa na anak ko. Need ko magpakalakas para sakanila😞

Nalungkot ako ng nabasa ko tong comment na to. Madaming lalaki ngayon na ang alam lang magpasarap pero pag kailangan na ng asawa nila ang tulong nila kibit-balikat lang sila. Kung asawa ko yan hindi ko rin alam gagawin ko. Pero mas maganda sabihin mo sa kanya ng harapan yang hinanakit mo. Magpakalalaki ka kamo sa kanya. Kung kasala kayo sabihin mo: " Alam ko dalawa tayong humarap sa altar nung kinasal tayo, pero ngayon bakit parang ako nalang ata mag-isa?" It takes two to tango. Ano? Alam lang nga gumawa ng bata pero yung obligasyon nya hindi nya gagampanan? Mahiya naman sya! Sa susunod wag nya iputok sa loob kung ganyan ka pala nya itrato na asawa nya. Kaka-highblood!

ako din down na down today. malapit na kase ako manganak, kinakabahan ako na di ko alam kung normal lang ba kabahan,mix emotions talaga kinalabahan na naeexcite.. triny ko mag open sa hubby ko na sana ikalma nya ako o makinig man lang pero wla dedma lang na parang iniisip lang nya na nag iianrte ako. pero sa totoo lang natatakot ako,paano nalang after manganak natatakot ako baka kainin ako nang postpartum depression.. mommies, sana pag dasal nyo na makaya ko lahat.. sana malagpasan ko lahat to.😭 sana may makaintindi skn.

Hi sis! Mostly sa mga guys ganyan talaga hindi masarap kausap lasi hindi sila masyado palakwento hindi tulad natin mga babae. Maybe your husband is tired and stress from his work maganda timingan mo na pag mukhang masaya sya. Sympre kung pagod na sya or toxic wala ka na din maririnig na maganda talaga from him. Tell his din hindi lang kaya dapat husband and wife kasama din friendship sa inyo kaya part un pagkkwento mo ng mga kung ano ano. God bless!

VIP Member

Ok lang yan mamsh. Sabihin mo lahat ng feelings mo sa kanya. Ilabas mo lang. Pero pag ganyan talaga ang asawa mo, dun ka na lang siguro mag focus sa mga bagay at taong makakapag pasaya sayo. Siguro maswerte ako kasi never ko yan naranasan sa asawa ko. Good listener sya kapag naguusap kami. Never nya ako nasabihan ng mga salitang makakapag pasama ng loob ko. In God's perfect time magbabago rin yang mister mo. Pray ka lang.

Tiniis ko din 'yan nung drama season ko, dmating 'yung time na sya naman nag open ng problem nya, sabi ko. Ang dami mong reklamo, mas madrama kpa sa babae. Then sabi nya bakit daw ganun pa response ko. Sabi ko naman, anong pkiramdam na 'yung taong inaasahan mong magiging kaagapay mo s'ya pa kumkontra sa'yo? Ginawa mo sakin 'yan db. Ngayon bahala ka. Simula nun nakikinig na s'ya sakin. HAHA 😇😈

VIP Member

Ganyan talaga mga asawa. Siguro timing-an mo lang din pagrrant mo sa kanya Momma. Ako kapag may nangyari sa bahay na ganito ganyan hinihintay ko siyang makauwi nakakain at nagpapahinga na, ayun pinapakinggan naman niya ko. Ayaw ko na lang din sabayan kasi yung pagod niya sa trabaho at physically pag kauwi. Kaya ayun ending sa dulo sabay kami naiinis. HAHAH

Ganyan din ako ng mga unang month ko na nakasama ko bf ko .. halos umiiyak ako araw araw dahil sobrang emotional nga .. kaso ng magtuloy tuloy na ganun sya natuto akong labanan sya .. inaaway ko narin kapag inaaway ako kaya ayun medyo nagbabago naman kaso nasulpot parin pagiging patola nya sarap ihampas sa pader 😂

TapFluencer

Same tayo. Yaan mo sya. Hanap ka paglibangan mo. Ako panay youtube nalang. Di rin aq nagoopen sa mister ko kasi hindi nya ako ma-gets. Gusto mo lang naman sana ng makikinig pero madami pa sya side comment kesa sayo. Mas ok na nga na dito ka nalang mag-vent out. Tayo2ng mga mommy at misis nalang ang magdamayan.

💕💕

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan