Dapat po ba papasukin ko na sa nursery yung 3 years old ko? Or pwede naman po pag 4 years old nalang

Nagdadalawang isip pa po kasi ako if papasukin na namin or masasayang lang yung money?

11 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Iba na kasi Educational Leveling ngayon, May K1(Nursery) K2(Kindergarten). First teach your own kids at home, better introduce papers, pencil,books grasping methods to practice motor reflexes para hindi rin ma gulat yun bata once you start them in school more on ganyan po kasi sa K1 they will have a basis called ECD Early child development. Tignan po nila kung saan nag excell ang bata madaming category po yan. Physical, Mental, Social, Spiritual aspects lahat na monitor. K2 that's the time mastered na dapat mga yan BUT be aware that not every child blooms at the same pace as others. Never pressure your own kid just because the other kids can do it. FOCUS on your kid, Hindi lang IQ ang important EQ din na kalimitan nababalewala. For me it's better to have an EQ than IQ kasi bata yan e, teach them with the proper discipline Hindi mo sila mapapabayaan. let the kids be kids, they learn thru playing. Tsaka na mag Excell sa pag higher grade na, besides hindi na baseham ang mga medals and certificate para maging Masaya at success ngayn

Đọc thêm

Depende rin po sa situation nyo. If medyo challenge ang pagbabantay kay baby, pwede po ipasok sa daycare para pahinga na rin sa naga-alaga. Pero if hindi naman, as our neuro-pedia recommends, kahit 5yo pa-- direct to Kinder na, as required by depEd. Hindi naman daw necessary to start school as soon as possible. May studies rin naman na toddlers aren't really supposed to master "socialization" at that age, what they need most is to feel secure and have the emotional support of their parents. Sa akin, I tried to delay na rin dahil once nagschool sya, diretso na yun until mag-20yo sya with college. Also, I tried to focus on his core values first para mas ready na sya to deal with outside influences sa school.

Đọc thêm
Influencer của TAP

if financially capable naman mi pwede naman pero kung hindi nasa sa inyo na..may mga child development centers o day care centers naman ang government..walang bayad don..tinuturo sa kanila hindi naman same sa kindergarten..ibang approach naman ang ginagawa sa mga bata pagdating sa klase..3 years old ko din pinapasok ang anak ko sa day care kasi siya lang ang bata sa amin para na din may social activities at interaction siya at twice pa siyang nag day care kasi hindi pa akma yong edad niya sa kindergarten..nong nag kindergarten na siya hindi na ako nahirapan kasi nasanay na siyang nakihalubilo sa mga tao 😊

Đọc thêm

why masasayang ang money kung si LO mag benefit? skl samin kasi wala masyadong bata ka age ng anak ko kaya at 23mos old pinag play school namin. ang target namin noon ay socialization since bago pa siya pumasok, madami na siyang alam. 2.5yo tinanggap na siya sa daycare, nilipat namin siya dahil ang layo ng playschool samin yung daycare walking distance lang. doon ko nakita na kaya na niya talaga wala ako sa loob ng room.. at lagi siya excited pumasok sa school.. Stress and depress? hindi ganon nakita ko kay LO ngayon ngang bakasyon hinahanap hanap niya ang pasok sa school.

Đọc thêm

Hi mama! Gaya nga ng sabi ng ibang mommies here, if kaya naman ng budget, magandang papasukin sa mga play school ang iyong 3-year-old child dahil maganda itong panimula sa kanyang educational journey. Maaari rin siya ipasok sa day care center sa inyong community o barangay. Bigyan din siya ng mga educational toys na makakatulong sa kanyang development. Check mo itong aming list: https://ph.theasianparent.com/best-educational-toys-kids-philippines

Đọc thêm

Nung una yan din plan ko sa baby ko, ipasok sya ng maaga. Pero may napanood ako na yung mga bata na maaga ineenroll sa daycare lalo na kung 3yrs old below ay nagccause ng early separation anxety, tumataas din ang cortisol level (stress hormone) nila. If highly structured din ang nursery pwede maging mismatch sa developmental needs ng bata. Pero syempre case to case basis pa rin.

Đọc thêm

wag muna maprepresure lang ang anak mo masyado pang maaga, kailangan pa nya ng sapat na tulog at alaga. pwede mong turuan sa bahay pag nakita mong hindi pa nya kaya or hindi pa sya interesado makinig it means hindi pa kaya ng otak nya, ipa enjoy mo muna sa play at salamuha sa ibang bata para mainhance yung skills niya.

Đọc thêm

pwede sa mga daycare na libre lang mie 3yrs old or 4yrs old gaya dto sa amin. if kaya sa budget mga private schools if medyo delayed speech c baby mas maganda maaga cya maka pasok para my maka halobilo na bata

sa 1st born ko, pinag aral namin sia at 5yo, pre-school. sa 2nd born ko, pinag playschool namin sia at 2yo. she is enjoying her playschool now na 3yo sia. we also plan na 5yo sia papasukin sa school.

sa akin po ay 5 years old na sila mag start ng school ayaw ng daddy nila maaga sa pag start na school..