Anong Opinion Nyo Mga Sis?
nagdadalawang isip kasi ako kung isusunod ko ba sa last name ng father nya o sakin nalang, tutal tinalikuran nya naman kami at nakuha nya pang mambabae ni hindi sya makapag suporta sa pagbubuntis ko. Hindi din nya kinakamusta manlang pagbubuntis ko. as in balewala lang kami sakanya pero nakakapag myday sya ng picture ng ibang babae with puso puso pa. hindi ko din naman sigurqdo kung pupunta sya pag manganganak na ako. ayaw nya namang maging involve samin ng baby ko, so tama lang na hindi ko i-apelyedo sakanya si baby, wala din namang mamanahin si baby sa future
Sayo talagang apelyido yun kasi iniwan nga kayo dba di kayo pinanindigan .. case to case basis kasi yan momsh . Di mo din namn maaapelyido sakanya yun kasi need sya sa hospital dahil may pipirmahan sya na ina acknowledged nya baby mo kung sakali ... Kami di kami kasal ng tatay ng anak ko kaya lang sya kasi todo support samin simula palang nung pagbubuntis ko lahat sya gastos check ups vitamins ko etc kahit nag aaral yun wala income At nung nanganak ako umabsent pa yun kahit exam nila .. Payo kulang sayo apelyido muna lang gamitin mo kasi alam mo if matter kayo ni baby mo saknya then i think lalapit namn sayo yan . Magrereach out yan . For now hayaan muna lang sya focus ka sa sarili mo at kay baby mo bawal ka maistress
Đọc thêmSingle mom din ako pero para sakin we should try at least na itanong sa father kung ipapagamit niya ba surname sa bata ano man ang status lalo na kung may communication pa at nahahagilap pa siya. Kasi ang dapat sa mga lalake na ganyan tinuturuan ng leksyon. Pwede kasi siya makasuhan at makulong kapag walang support na binibigay sa bata. Kailangan lang ng patunay na siya ang tatay through birth certificate or DNA test. Ako kasi di ako papayag na ang sarap ng buhay niya samantalang parehas naman namin ginawa to tapos ako lang ang nagsasuffer. Pag di mo kasi siya binigyan ng leksyon, patuloy pa rin siya sa gawain niyang ganyan kasi pinalampas mo. Well, just my opinion. Nasa sayo pa din naman yan momsh.
Đọc thêmFor me mommy I don't think the father deserves that kind of privilege especially if he denied na his child and not even contributing to the child's needs and necessities. It'll be like giving authority to an entity na forever lang makakaconfuse and ichachase ng baby mo. It may be selfish and somewhat unfair to the child but telling the kid that his or her father is already dead is far more justifiable than having to tell the kid that his or her father doesn't want or love him/her. To all single mommas out there, I know you are twice as strong and twice as tough than all of us here. You all have our support and our prayers with it. Be strong and let God. Tough mama ❤
Đọc thêmmainam sis wag nlng.. iapelyido mo nlng po sayo, tinalikuran kna ee ni kahit sa bata wala syang paki so wala po ako nakikitang dahilan para kilalanin sya ng anak mo. Sya mismo umayaw sainyo ndi mo naman pinagkait sknya na kilalanin sya ng bata nung may pagkakataon tulad nyan na sana andyan sya para sayo pero ang lagay mas pinaramdam at pinakita nya na wala syang paki so ndi nya deserve kilalanin sya ng bata.. may karma naman sa mga lalaking walang bayag! mainam palakihin mo nlng c baby ng ikaw mag isa at ndi na involve ung tatay nya.palakihin mo sya at iparamdam na ikaw lang sapat na. God Bless kaya mo yan sis
Đọc thêmGanyan din situation q now sis 34 weeks pregy aq, nung una sbi nya susuportahan nya ako, nung mga 6 months ung tyan q humingi aq ng pera pra pambili sna ng gamit n baby 1 week ndi nya binasa ung msg q after that seen mode tapos last month lng nkablocked n ako sknya tapos nalaman q may iba n pla xa kinakasama. Db ginawa akong tanga?! Pero sabi q sa srili q. Kakayanin q ang lahat ng ito kase hindi aq mag isa sa battle n ito dahil anjan family and friends q and specially c God alam q ndi nya ako pbabayaan. Be strong momsh just pray 😊
Đọc thêmThank u po 😊
Same tyo sis nag situation.. But ako buo na luob ko na sakin naka apilyedo ang bata. Ganyan na ganyan din ako. Kaso wala yung part na nag post sia with other girl. Pero my bago sia. Never din na ngamusta kahit sa bata. 8years kmi ahh. Pti magulang at kapatid wala din na ngangamusta. Never naman ako nag expect, pray lang ako wag na silang mag paramdam kaylanman. Hahaha stay strong, pray lang na magiging ok din ang lahat.. Be happy my makakasama na tyo sa buhay.
Đọc thêmOo, ako hindi ko isusunod sa biological father niya. Lalaki siyang walang middle initial yun lang yun. Kaya ko naman maging nanay at tatay sakaniya katulad ngayon. Ako nga gumawa na agad ng letter sa ospital na hindi ko pinapayagang isunod ang apilyido ng biological father niya sa anak ko atsaka aware na g munisipyo. Ganun ako ka secure sa magiging baby ko. Ni unang letra ng pangalan ng anak ko hindi niya malalaman.
Đọc thêmKung ako sayo hindi ko iaapelido ang anak ko sa kanya... Wala siyang karapatan... Simula ng tinalikuran niya kayo mag-ina ay tinanggalan na niya ang sarili niya ng karapatan sa anak niya... Oo siya ang ama ng anak mo pero hanggang dun na lang yun... Boti sana kung nagsusuntento eh hindi naman... YOUR CHILD, YOUR ROLE...
Đọc thêmYour child your rule po. Hindi ROLE. rule= batas, kaw masusunod role= pagganap, ganap mo sa buhay .
Wag na mamsh. Legally, pagdating ng panahon, pag ikinasal ka, mas madali na iapelyedo sa kanya kung iaadopt nya ang anak mo. O kahit ss hindi pa legal na perspective, imagine the frustration of your child pqg one day mqy magtanong "Kaapelyedo mo di ganito, kaano ano mo?" Tapos di alam nung bata
Eh bakit pala sya bumuo ng bata kung ayaw nya pagamit apelyido nya? Don't make a woman suffer from parenthood alone. It takes two to tango.. These kinds of men are coward and they do not deserve to have a family. They'd better be alone all the days of their lives because they are selfish.
Hot mommy of Primo