Anong Opinion Nyo Mga Sis?

nagdadalawang isip kasi ako kung isusunod ko ba sa last name ng father nya o sakin nalang, tutal tinalikuran nya naman kami at nakuha nya pang mambabae ni hindi sya makapag suporta sa pagbubuntis ko. Hindi din nya kinakamusta manlang pagbubuntis ko. as in balewala lang kami sakanya pero nakakapag myday sya ng picture ng ibang babae with puso puso pa. hindi ko din naman sigurqdo kung pupunta sya pag manganganak na ako. ayaw nya namang maging involve samin ng baby ko, so tama lang na hindi ko i-apelyedo sakanya si baby, wala din namang mamanahin si baby sa future

Anong Opinion Nyo Mga Sis?
36 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Totoo yan. Why bother to let your child follow a lastname of someone who doesn't even care, kasi ikaw lang naman ang bubuhay sa anak mo? My mom did the right thing. Di niya pinadala sakin apilyedo ng ama ko. Kasi wala dn naman niya consent at never ko siya nakita since birth.

That's a no brainer, sinusunod lang sa apelyido ng tatay kapag "willing" ung tatay ibigay apelyido nya sa bata, kung sobra obvious n nga n ayaw nya ng responsibilidad..tatanungin mo pba kung deserve nya un? Sympre hindi, hayaan mo karma n humabol sa knya

Sa iyo mo nlng ipa-surname mamsh. Kasi ang alam ko pag ipapaapelyido sa tatay lalo kung ndi kayo kasal, need na pumirma siya sa b.cert ni baby n pinapayagan nya gamitin ung surname nya

Base on my experience sa panganay ko, sinunod ko nalang sa last name ko yung anak ko. Kasi wala naman siyang pakialam samin. Wala naman ako pagsisisi. Di naman kami ang nawalan. 🙂

Sayo nalang sis. Para less hassle na din kasi kung hindi kayo kasal need pa magprocess ng affidavit and kelangan niya magsign na birth certificate ng bata kung sa kanya mo isusunod apelyido

5y trước

paano po kung hindi kame kasal, yung bf ko kasi nasa ibang bansa at di makakauwi sa pinas bago ako manganak or sa panganganak ko pero willing nmn sya gamitin last name nya anu po kayang docs ang need ko para mapadala sa kanya.

Wala ka pong dahilan para iapelyedo baby mo sa kanya mamsh.. Sya na mismo tumalikod sa inyo at nagtanggal ng karapatan nya sa baby nyo.. hndi po sya deserve maging tatay..

5y trước

Thank you mamsh.

Mommy. Pinabayaan ka naman pala eh... wag mo ng isunod surname sa lalakeng yun. Para naman sa mga live in dito. Okay lang kung may balak kayo pakasal.

Iapelyido mo sayo, pero mainam na kumonsulta sa lawyer regarding dito. Kailangan pa din ng proteksyon ng bata, para mailaban ang karapatan niya.

If inacknowledge nya pregnancy mo, sya ang magfifile dapat ng birth certificate nya since may issign sya na affidavit.

WaG na siguro sis 😊 hindi deserve nG anak mo na daLhin nya ung Last name nG tatay nYanG waLang paninindigan 😊.