Ukay
Nagbigay po ang mommy ko ng ukay na damit para sa magiging baby ko. okay lang po ba yun na gamitin?
Okay naman yan momsh. Babad mo lang muna sa mainit na tubig para patay bacteria bago mo labhan. Ukay din halos lahat ng damit ni baby. Mabilis din kasi sila lumaki. Di lang ako napapractical-an na bumili ng bago na mahal.
saken po kung ibinigay yumg damit ng mommy mo wala problema labhan ng maigi at ibabad nyo ng matagal para siguado po malinis at maayos paglaba taz plantsahin para iwas bacteria maselan po balat ng baby lalo na newborn
kame ng husband ko ma ukay kame, pero para sa amin. 😁 for baby i don't think its advisable lalo if newborn pa. or if gusto nyo talaga pagamit agree to moms na labhan maigi, pakuluan at patuyuin sa araw
I think wala naman po masama sa pag papagamit ng galing sa ukay as long as lalabhang mabuti bago po ipagamit kay baby. Para makaiwas na rin sa skin irritation o pangangati si baby 😊😊
Mas okay po bumili nalang sa divi kung gusto nyo maka mura sa damit ni baby. Mas okay kung bago kasi ang baby po ay sensitive pa ang balat baka mahawaan sya ng mga sakit na nanggaling sa mga ukay.
Para po sakin, not adviseable. Di nyo po kasi alam kung may sakit gumamit nun. Wala naman po masamang maging maselan tayo lalo na po para sa babies. 😊 If gusto po makamura, sa divi po marami.
Disinfect just to be sure. Best natural disinfectant: ibabad sa water na may vinegar and baking soda then labhan and banlawan after. Masisira or uurong ang damit if hot water kasi gagamitin.
nakakatakot gumamit ng ukay e. Nakita ko kasi sa isang documentary, galing sa mga patay yung mga damit tas bulk na shiniship sa ibang bansa, kaya mura. mahirap na baka magkasakit pa si baby
Okay lang yan. Labhan nyo na lang mabuti. Then lagyan ng mainit na tubig. Labhan ulit yung may konteng zonrox...tapos babd ulit sa mainit na tubig. Or kung gusto nyo po pakuluan para sure.
ako nga bumili din sa ukay ukay.. pero ginawa ko nag pakulo ako ng tubig yung kulong kulo.. tapos balniaan mo ng tubig yung mga binigay sayo... tapos ibabad mo sa powder ..😊😊