Nag pt po ako kaning 3am at nag positive po siya. Sinabi ko sa boyfriend ko at hindi siya pumayag, sabi lang nya di pa sya ready at abort raw po. Any advice po? Same lang po kami ng edad 23.
alam mo sis lahat ng problema may solusyon yan, at hnd ang abortion ang solusyon mo, natatakot ka kamo sa parents mo pero hnd ka natatakot sa diyos pag pumatay k ng tao?tandaan mo ano mn kasalanan ng anak hnd matitiis ng magulang yan, buti p nga ang anak natitiis nila magulang nila. at sa bf mo nmn qng mahal k tlga nyan lahat ng consequences kailangan nyang harapin hnd ung maduduwag cya, ang tunay na lalaki responsable hnd puro iyot lng ang alam. pag nka buntis ayaw na. hnd dapat ganon pareho nyong ginusto yan dapat pareho nyong harapin. napakasakit mawalan ng anak tapos kayo anjan na aayaw p kayo. hnd kasalan ng bata na nabuo cya sayo kayo ung may gawa nyan kya panindigan nyo.cguro sinasabi mo madaling sabihin yan na panindigan kc hnd nmn kmi ung pagagalitan ng magulang. natural lng na pagalitan kyo ng magulang nyo yanggapin nyo kc kayo ang nagkamali pero pasasaan bat matataganggap din ng magulang nyo yan. wag kayo sumuko agad qng d nyo pa nasusubukan humarap sa magulang nyo. madaming kabataan ang dumaan sa ganyang sitwasyon pero nalagpasan nila ng hnd gumagawa ng masama. sana makinig k sa lhat ng mga pinayo namin sayo kc hnd baby mo ang kawawa pati ikaw kc habang buhay mong dadalhin sa konsencya mo yan pag tinuloy mong ipalaglag kc hnd mo cya binigyan ng chance na makasama k at mangarap cya. god is good hnd k nya pababayaan.
Đọc thêmNasa country po kasi tayo na religious mapaCatholic/Christian kaya marami ang magsasabing huwag gawin based sa ganito, sa ganyan at sa totoo lang illegal talaga ang abortion dito sa Pinas. So think about it first! Ang maaadvice ko is, try asking yourself first kung kakayanin mo ba kasi first of all, ikaw ang magdadala ng bata for 9months hindi naman sya. Nandyan yunh possibility na pag di nasunod ang gusto nya, baka mauwi pa kayo sa hiwalayan, kasi nga ayaw nya una pa lang. You need to ready yourself mentally, emotional, physically, financially... Ask your parents(if possible) or family members na may tiwala ka na masasandalan mo lalo sa ganitong panahon. Kasi many would say sa una lang mahirap, I know at just to let you know po, 7weeks preggy din ako pero gustong gusto ituloy ng bf ko. Ayaw ko rin nung una kasi iniisip ko future ng anak ko, kung masusuportahan ko ba sya at mabibigay ang needs nya lalo nga at alam ko sa sarili ko di pa ako ready sa ganitong responsibility... Pero dahil sa moral support ng mga tao sa paligid ko, tinuloy ko na rin. It's still up to you, isipin mo yung mga possibilities di lang sa pagbubuntis mo nang 9months kundi pati future ng baby paglabas nya. Ayaw natin mag aanak lang then kawawa ang bata paglabas. Pray! Ask for guidance.
Đọc thêmAlam mo ba mommy sinubukan kong gawin yan sa baby ko pero di ko tinuloy kasi dugot laman ko sya. Nakabili na ako ng gamot. Sinubok ako kasi nasa kasagsagan ako ng career ko nung binigay ni Lord sa akin ang baby ko and i have to choose between my career and baby, dahil yung career ko ay bawal ang may asawa at anak. Nung unang weeks decided ako na ileletgo ko sya 6 weeks pa lang ako non, alam ko at aware ako na di pa ganon kabuo ang bata kay sabi ko ileletgo ko sya, kaso nung sisimulan ko na yung gamot di ko kaya umiyak lang ako nang umiyak, still after that incident nagpacheck up ako sa OB sabi ko pag may heartbeat tao na to itutuloy ko na to, and yun na healthy baby after checking up sa OB, malakas heartbeat. At that moment nagdecide ako na harapin ang mundo, wala man ako career ngayon meron naman akong napakagwapong anak at responsableng asawa na never ako pinabayaan. Sobrang akong humingi ng tawad sa Diyos kasi sumagi sa isip ko yon. Sumagi din sa isip ko ang tita ko na gustong gusto magkaanak pero never na mabibiyayaan. Kung may dapat ka iletgo is yang partner mo na di ka kayang panindigan. Ang nanay sa una lang yan magagalit, natural reaction yon pero di ka nyan papabayaan.
Đọc thêmI had an abortion at 20 years old. I was already newly employed and my bf back then was a student pa. And if you want to hear it from someone whose gone thru the same thing, bf didn’t want the baby kasi ano na lang daw sasabihin ng parents nya. I AM TELLING YOU THIS, THAT DECISION WAS THE BIGGEST REGRET OF MY LIFE. It’s been a decade and the psychological trauma STAYS with you. So if you do it, accept na hindi ka magiging okay mentally permanently. If you’re doing it for a guy, drop him, NO GUY IS EVER WORTH THE TRAUMA. Have a calm think na ikaw lang, wag mo syang isipin, wag mo isipin parents mo. Imagine the kid. And have that dialogue or prayer if you’re religious. It’s an irreversible decision same as that suicidal ideation you’re having. But the pain you will leave people will last a LIFETIME. Takot ka sa sasabihin ng parents mo but you’re not scared of how your death will affect them? Believe me when I say, no other grief is worse than losing your child. So isipin mo for yourself if kaya mo, isipin mo for your parents if kaya mo bigyan sila ng grief na ganyan. I’m praying for you.
Đọc thêmhello po mommy, ako po ay 16 yrs old ngayon at kasalukuyang nasa 7th month ng aking pagbubuntis. madami nagsasabi saakin na kung hindi ko pa kayang buhayin ang bata ay hindi naman masama ang magpa abort. pumasok din sa isip ko na magpa abort pero habang tumatagal, napamahal ako sa aking baby. ginawa namin ng partner ko lahat ng makakaya namin para matustusan namin si baby, ang aking monthly checkups, pre-natal vitamins and mga gastusin para sa tests. pinangako namin sa isa't isa na hinding hindi kami manghihingi sa mga kamag-anak namin ng panggastos para kay baby. nagstart ako ng aking online business and as of now super laking tulong nya para sa gastusin namin ni baby. nakabili na rin ako ng mga gamit nya dahil sa pag oonline selling ko. payo ko lang mommy, sundin mo yung puso mo. wag yung ibang tao. kawawa si baby mo if ever na ipapaabort mo sya 🥺 sana makapag decide ka ng maayos mommy. hugs and keep on fighting! makakahanap ka din ng lalaking kaya kayong tanggapin at buhayin ni baby. don't settle for less po. 🙏
Đọc thêmalam mo naiisip mo lang ipaabort kase ayan ung sinabi ng bf mo. pero kung gusto ng bf mo yan di mo maiisip iabort yan. same na same tayo. ung father ng baby ko may gamot na pang paabort. naisip ko din magpakamatay dahil sa kahihiyan sa sasabihin ng ibang tao kase nabuntis lang. pero mas pinili ko baby ko. pinaglaban ko ung karapatan ng baby ko. inakyat ko ng korte ung kaso dahil sa psychological abuse. waiting ako na lang ako ng warrant. 🙏🏻 4 months preggy ako now pero di pa din alam ng parents ko dahil di ko alam kunh pano sasabihin na tinakbuhan ako ng ama ng baby ko. umiiyak pa din ako sa gabi tuwing iniisip ko na walang buong pamilya ung anak ko pag labas. pero iniisip ko n lng na kakayanin ko lahat. pray ka lang kapag natatakot at down ka. takot ka sa responsibilidad pero hindi ka takot sa Diyos?? takot ka sa magulang mo? mas matakot ka kung malaman nilang nagpa abort ka. matakot ka sa karma ng buhay. totoo yan.
Đọc thêmSana po ituloy mo 'yan dahil wala pong kasalanan ang baby... Kausapin mo po ulit ang bf mo at kung ganyan pa din po ang mentality niya turuan po ninyo ng leksyon. Kasuhan po ninyo sa barangay. Ginusto po niya 'yan at nasa tamang edad na siya dapat matuto siyang manindigan. Kung ayaw po talaga niya wag mo na po siyang pilitin dahil kayo lang din po ang pinaka magsa-suffer ni baby sa huli. Kung ayaw po niya maging responsable para sa kagagawan niya kasuhan po ninyo ng VAWC. Need po niya pagbayaran 'yan at para wala na din po siyang mabiktima pa na ibang babae. Uulit ulitin po niya yan sa iba. Never po siyang magiging ready kung ganyan. Wag po ninyo itolerate. Focus na lang kayo kay baby promise mas worth it po na yan ang piliin ninyo kaysa sa bf ninyong walang balls. Mang iiwan din po yan eventually kahit siya pa ang sundin ninyo ngayon. Stay safe po. Malalagpasan ninyo yan. 🤍
Đọc thêm23yrs. old na kayo dpa kayo ready ? bat nyo ginawa ? andame couple gusto mag kaanak di mabiyayaan kayo na maswerteng nabigyan ng blessings nagiisip ng mga ganyan ? yung mga kakilala ko nga 16 nabuntis pero kahit mga bata pa napanindigan ang baby .. kung ayaw ng lalake at di pa ready yang iresponsable na yan .. ikaw sa sarili mo kayanin mo kasi ginusto mo rin naman yan ! wag ka ngang umastang bata.. May sarili ka ng pagiisip hindi na para turuan o diktahan ka pa sa mga gagawin mo .. Save mo yung baby mo sa walang kwentang lalake na yan .. Masarap sa feeling na magkaanak marerealize mo rin yan pag nakikita nararamdaman mo na yung baby mo sa araw araw ☺️ Kaya mo yan ! Di mo kailangan ng lalaking puro libog lang .. Umiwas kana sa lalaking yan wala ka mapapala dyan .. Makakahanap ka rin ng Lalaki na magmamahal sayo ng totoo pati dyan sa baby mo ☺️ Godbless .
Đọc thêmMam wag.,wag n wag mo ipapa-abort.,hindi maitatama ang mali ng isa pang mali., lumapit ka kay Lord.,hindi ka Nya pababayaan.,im not trying to be preachy pero Mam,hindi dahilan ang kawalan ng financial support o unpreparedness ng partner o kahihiyan ng pamilya para gumawa ng maling decision.,alam mo n mali yan Mam.,darating ang panahon, itatanong sayo ni Lord,ano ginawa mo sa blessing n bngay Nya.,Mahal ka ni Lord Mam,mahal dn Nya yang baby n bngay Nya.,so please,do not abort the baby., ipagpray mo ang situation mo, Jesus is waiting for You pra ma2lungan ka Nya.,God loves you.,in case na iwan k ng mga mahal m,God loves you.,He cares for you...
Đọc thêmPlease dont abort the baby. Me and my husband waited for a long time to have a baby. We have waited for almost 5 years. Pray and seek guidance to God. Dont mind the expenses and everything God is in control and surely he will provide. Tell your parents about so they can guide you also. A baby is a blessing. Believe me, malalampasan niyo yan kung expenses lang ang pinoproblema niyo. And madali na lang yun. Maraming hindi nabibiyayaan ng baby and hindi lahat nagkakababh. You are lucky to have one. Mag isip isip ka po. And yung boyfriend mo, sorry to say but HINDI ka NIYAN MAHAL. Because he will not suggest that if he really loves you.
Đọc thêm
ash's momma