Nag Pt ako unang beses nung nadelayed menstruation ko then after that mga ilang linggo na ang lumipas nag karoon ako ng spotting kinabukasn nagtry ako magPT ulit positive naman kasi malinaw isang line tas yung isang line ay medyo malabo hanggang sa kinagabihan lumakas siya pero walang buo buong lumalabas at hindi ako nakakaramdam ng kahit na anong sakit. Kinabukasan pumunta kaming clinic para magpacheck up at nirefer niya ako na mag Tvs, after nun nakuha ko na yung result at ang sabi wala daw laman ang ultrasound ko at normal naman lahat pero THICKENED ENDOMETRIUM at open cervix ang nakalagay. Pero hanggang ngayon nagbleeding pa din oero hindi madami. Ano po kayang ibig sabihin nun.