Mild scoliosis

Nag pa CAS Ultrasound po ako at napansin ng sonologist na mayroon daw Mild scoliosis si baby. Wala naman daw po ako dapat ikabahala dahil parang wala lang ito pag labas nya. Pero bilang nanay hindi ko maiwasan ang mag overthink. Ano po ang dahilan bakit ito nangyare kay baby? Ano po ang mga dapat at hindi ko dapat gawin? Ano po ang magiging epekto nito may baby? Dapat ko po ba ipaulit ang CAS ko for 2nd opinion? Sana po may makasagot salamat po ng marami!

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Hi, mommy! I don't have answers to some of your questions. I have mild scoliosis, napansin ng tita ko na doktor nung 14 years old ako, officially diagnosed at 20 y.o. Walang super sama na effect sakin, may pain lang minsan na di ko ma-explain, depende din siguro kung saan banda sa spine yung curve yung akin kasi malapit sa hips kaya minsan kapag naglalakad ako biglang may sasakit sa lower back or parang may pipitik, medyo hirap din akong magbend forward kasi may pressure minsan actual pain. Bawal lang din magbuhat ng mabigat. Pinagtake din ako ng calcium supplements simula na-diagnose ako, hanggang ngayon at 26 y.o. tuloy lang calcium intake ko. Suggested din sakin na ang bed dapat firm hindi sobrang lambot. Tinanong ko din dati yung ortho ko kung pwede ba ang braces sa likod to correct it, ang sabi niya hindi na, ideal lang yun sa mga bata kasi malleable pa buto nila, kumbaga kaya pang itrain yung buto, so there's still hope kung may scoliosis nga baby mo. And yes, go for a second opinion na din para sure.

Đọc thêm
2y trước

Maraming salamat po! 🙏