2 Các câu trả lời

Yung first weeks talaga sobrang hirap. Lalo noon pure breastfed si baby, hindi ko kinakaya yung puyat. Kasi wala naman ibang pwedeng bumangon para kunin si baby kung hindi ako dahil sakin siya dedede. Umiiyak ako nun, sabi ko sa sarili ko ayoko na gusto ko nang matapos to, gusto kong matulog ng mahaba. May mga supportive naman akong pamilya hindi nila ako pinapabayaan pero feeling ko ako pa rin mag isa. Sinabi ng husband ko sakin sa sobrang inis niya na sige kung gusto ko daw ifformula feed niya si baby ko, umuwi daw ako sa bahay ng magulang ko. At magpahinga ako dun hangga't gusto ko. Natauhan naman ako, yung thought palang na iiwan ko si baby ko hindi ko rin talaga kaya. Ang ginawa ko, nagbasa ako ng forums sa google. Naintindihan ko na normal lang na mafeel ko un, baby blues tawag nila. Na pagdating ng 1-2months ni baby gagaan na rin. Makakatulog na kahit papano. Pinanghawakan ko un, sabi ko lilipas din to matatapos rin to. Altho it feels like forever lalo pag wala talagang tulog pero totoo nga, lumipas nga yun. Ngayon natutulog na si baby ng mahaba :) tiyaga lang mommy. Lilipas din yang ganiyang stage :)

Salamat po. Sana nga po. Para po kasi akong maaaning sa puyat haha

Na-experience ko din po yan sa panganay ko mommy. Kaso ibang case naman ung sakin. Pasko nun 1month pa lang ako nakakapanganak nun, binigyan ako ni hubby ng gift pati si baby. Natuwa ako, pero mas naramdaman ko ung depression. Ung feeling na napaka walang kwenta kong asawa kasi wala ako gift sa kanya. Buti na lang kinalma ko ni hubby and sabi nya si baby na daw best gift na nabigay ko sa kanya. Laban lang momsh 😊

Nakakatuwa po ang hubby niyo. 💝

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan