Napakaduwag
Naduduwag ako manganak ? di ko alam kung kakayanin ko, although dec pa due ko peeo everyday naiisip ko yung araw na manganganak nko. Pano nyo ba ito nakayanan? Share naman kayo ng exp nyo. First time mom here.
Aq po kakapanganak q lng po nung april 26 first baby q pa ...ang advice q lng po talaga sa inyo bilang na experience q nman ito ay enjoy lng ang pagiging pregnant mo wag ka mag isip na masasama, pero sabagay ganun dn nman po aq noon nag iisip aq ng masasamang mangyayari skin sa totoo nga tinatanggap q na kung may mangyari skin nung araw na yun pero syempre nagdasal dn po aq na safe lng kmi n baby. Lalo na po sa side q na nanganak aq na wala asawa aq....kaya ang maibigay q lng talaga sa inyo na payo ay e enjoy mo pagiging buntis wag masyadong mag isip ng masama at kung due date nyo na po mas importanti po na mag relax po kayo kasi may temdency po na tataas po dugo nyo...kaya relax lng po at ipaubaya nyo nlang po sa doctor at lalong lalo na po sa Panginoon...be strong momsh...isipin nyo po kung nakaya nmin kakayanin nyo rin po...para po sa little angel mo po....
Đọc thêmNoong buntis ako, hindi ako natakot manganak.. Sa tuwing naiisip ko na malapit ko na makita ang anak ko, mas lalo kong na e excite. 32 hrs akong nag labor, failed induction. Habang nasa labor room, kinakausap ko lang si baby sa tiyan ko. Ang daming gamot ang ipinasok sa pwerta ko para lang mapataas cm ko, pero maliit pala sipit sipitan ko kaya kahit anong gawin nila hindi talaga tumataas cm ko kaya nag decide kami na i CS na ko. Wala kong ibang nasa isip non, "gusto ko ng makita ang anak ko". Lilipas din yang takot mo sis, isipin mo na lang kung gaano mo kagusto masilayan ang mukha ng baby mo. Fighting! And goodluck 😊
Đọc thêmAnytime pwede na ako manganak, nanonood ako ng Actual Vids ng normal deliveries. Yes super PAINFUL, nadescribe nila ung sakit. Noon nga po ayoko magka anak at magaampon na lang ako kasi takot ako sa blood. Then nung nalaman kong preggy ako, threatened ako sa pain and blood pero habang eto nga, iniisip ko na lang na makikita ko na ang "mini me" ko. A little human na mamahalin ako more than anyone else in the world. May baby akong matatawag kong pinaghirapan ko 😊 yung kaba ko, napalitan ng sobrang excitement. Be thankful momsh, maraming nahiling ng baby pero we are blessed. Be brave!!
Đọc thêmnung nalaman ko na buntis ako umiiyak ako sa takot na para bang hindi pa ko handa, takot kSi ko sa injection, araw araw pinag dadasal na bigyan ako ng lakas ng loob, umiiyak pa ko nung sinabing i ccs ako dahil overdue na daw buti nalang nakuha sa ininject na pampahilab, awa ng dyos tinupad nya yung dasal ko, hindi ko lang alam kung totoo yung napapanuod ko sa video na humihiyaw kapag nangangak, ako kasi kahit hiyaw at iyak wala, malaking tulongvlang yung pag inhale at exhale
Đọc thêmMay napanood akng youtube video before sabi niya na iexpect mo na magiging sobrang sakit ng labor pain pero hindi mo namn ikamamatay, although may mga cases na ganon pero isipin mo lang daw na kakayanin mo ang sakit. Think positive lang. May mga breathing techniques sa youtube kung paano magiging kalmado or makacope sa labor pain,,,practise mo na ngyon palang. Saka isipin mo lang sa bawat contraction takes you one step closer to seing your baby.
Đọc thêmSame here kinakabahan din ako I thought CS ako kse I have myoma and tumataas dugo ko though nreregulate nman CIA kse umiinom all Ng methyldopa but then nung tnanong ko ung ob ko normal daw ako huhuhu nung cnbi un skn dami ko naisip n negative na baka Maya malagutan ako Ng ugat s utak kakaire or baka Maya nde ako makahinga matsugi ako Ng di oras.,hayyyyy grabe ung kaba ko ngaun. I'm 5 mos preggy
Đọc thêmGanyan din ako sis 4months ago pag first mommy ka, Grabe iyong takot ko kung ano2 Tumatakbo sa utak ko, kalaunan nag pa ultrasound ako nakita kona ang baby ko Medjo nawala ang takot ko, Advise ko sayo Sis huwag ka mapag-isa kailangan may kausap ka na masaya ka! Para dimo msyado Naisip ang mga bagay2 pray lang tayo kay Lord, lalo na pag unexpected na mabubuntis ka 😌
Đọc thêmRelax lang tayo mommy. :) first time din here and October naman due ko. Given na na masakit manganak but let's just be ready nalang and pray na maging healthy si baby habang nagdedevelop pa siya inside us, and maging successful ang delivery in the future. Wag mastress or magworry. Di maganda satin yun. :)
Đọc thêmnormal lng po. ako nga excited na kinakabahan. shempre po masakit tlga manganak pero kpg po nakita na daw po si baby worth it naman daw po. kaya ayun nilalakasan ko nlng loob ko. gusto ko na tlga makita at maalagaan ang baby boy ko. kaya pray nalng po na hnd tau masyadong mahirapan manganak at maging safe si baby.
Đọc thêmWag mo ksi isipin yun, mapaparanoid ka kakaganyan mo.. just enjoy everyday of your life having a life in your growing tummy. Minsan lang nabubuntis ang tao, yung iba hndi pinalad maranasan to, so enjoy and cherish every moment and let your OB do his job on the due date,he is paid for his job anyway😅
Đọc thêm