Feeling Complete

Nabuntis ako last January 17, 2019 pero hindi siya natuloy dahil sa stress at sobrang pagod. Stress kase ako noon dahil sa Family ko, masyado daw kase akong bata para magkababy at hindi pa namin kaya. Ang dami kong naririnig na mga tsismis at dahil dun nalaglag ang baby ko noong 3 months ako. Sa sobrang sakit ng loob ko ay sinisi ko ang pamilya ko at nagtanim ako ng galit sa kanila. Ilang months din akong nababangungot at pinapanaginipan ang baby ko. After ng ilang months tinanggap ko sa sarili ko na wala na ang baby ko at pinili ko na magsimula kami uli ng asawa ko. Nakabuo kami ulit kakadasal ko at pinagpala kami ulit ng second chance para magkababy. Sa ngayon kasulukuyan akong nagbubuntis at tinututukan nako ng mister ko dahil ayaw na naming mangyari ang dati. Nagsarili kami ng bahay para hindi ako masyadong nakakarinig ng mga tsismis ng pamilya ko. 4months na ang baby ko sa tummy ko at sa baby ko na ito alam kong makukumpleto na ako. :)

Feeling Complete
1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Take care of your self,sis,laging positive ka lang para sayo at kay baby.Eat healthy foods at inomin mo lahat ng vitamins mo.God bless po💕