worried with open cervix 1cm @31 weeks 6days
naaksidente po kasi kotse namin nung isang gabi and unfortunately hindi ako naka seatbelt kasi sa isip ko naman nakaupo naman ako sa backseat sa likod ng driver's seat. so ayun na nga, tulog ako nung naaksidente kame and humampas yung mukha at katawan ko ng malakas sa driver's seat sa lakas ng impact. ang daming chineck sakin sa ospital just to make sure na ok lang si baby dahil syempre natatakot din ako for her safety. ayun na i.e. ako sabe daw 1cm na daw. eh super disoriented pa din ako from the trauma di ko na naask ko ok lang ba yan na 1cm na cervix ko and dahil kaya sa aksidente? Sino po may same experience na open cervix na maaga po and makakasama po ba yun? Di naman ako naresetahan ng kahit anong gamot pero na admit lang ako ng 1 araw sa hospital. If ever, ano po mga ginawa nyo nung nalaman nyo na early open cervix po kayo? Thanks po sa mga sasagot.